NAGTAGAL pa ang pag-uusap ng mag lola bago sila nagpaalam sa isat-isa. Nangangalay na sa sakit si Cheska mula sa likurang bahagi ng pinto. Ang tagal din kasi niyang makatayo doon dahil nag tagal ng ng halos sampung minuto ang pag-uusap ng dalawa. Kong hindi pa tinawag ni Lolo Tristan ang asawa nito para kumain ay hindi pa siguro tapos ang dalawa para mag-usap sa telepono. Nakahinga ng maluwag si Cheska ng makalabas na si lola Angelina. Mabilis siyang umalis sa likuran ng pinto at umupo pansamantala sa kama dahil sa pagod. "Lintek na kamalasan to ngayon pa talaga ako minamalas"! galit na sambit ni Cheska sa kanyang sarili. "Kailangan kong makalabas dito, kasi baka kapag bumalik nanaman ang matandang 'yun mamaya tiyak na aabutin na ako hanggang bukas dito"! aniya Nagisip ng paraan si C

