NAKARATING na sa wakas sa London ang mag-asawang Tristan at Angelina. Excited na silang makita muli ang apong si Georgina. Sinisigurado nilang masusurpresa talaga ang apo kapag makita sila. Hindi na nila ito pupuntahan sa trabaho niya at hihintayin na lamang na makauwi sa bahay niya, magluluto din sila ng pagkaing paborito ng kanilang apo. Dahil May sarili namang susi ang mag-asawa ay mabilis lang silang nakapasok sa loob ng bahay, saka muli itong sinira pabalik ng sa ganun hindi agad malaman ng apo na May tao sa loob. alas-tres palang ng hapon at 6pm pa ang out ng apo sa trabaho, mayron pa silang tatlong oras para makapaghanda. Umupo si Tristan sa May Sofa para magpahinga. Napansin naman iyon ng kanyang asawang si Angelina "Mahal magpahinga muna tayo sa itaas, pakiramdam ko parang na

