CHAPTER TWENTY-THREE- ACCEPTANCE “Let’s go home, Janine.” tiningnan niya lang ang kamay ni Irvin na nakalahad sa kanya. “Paano mo nalaman na nandito ako?” hindi tumitinging tanong niya rito. Nagtataka siya kung paano siya nito natunton doon. “Let’s go home first.” “Ayokong umuwi.” pagmamatigas niya. “Nilalamig ka na.” “Wala akong pakialam. Wala kang pakialam. Wala kayong pakialam kung ano man ang gusto kong gawin. Kahit lunurin ko ang sarili ko ay wala kayong pakialam dahil buhay ko ‘to!” sigaw niya rito. Akala niya ay papatulan siya nito tulad nang dati ngunit hindi man lang niya ito nakitaan ng pagka-inis. “Buhay ko ‘to!” Naiiyak na naman siya. Kahit anong pigil niya ay para bang may sariling buhay ang mga luha niya na walang tigil sa pagdaloy sa kanyang pisngi. “Everythin

