CHAPTER THIRTY FOUR- I LOVE YOU, GOODBYE “Mawalang galang na po, pero ano po ba ang kailangan niyo sa akin? Alam niyo po bang muntik na akong atakehin sa puso dahil bigla niyo na lang ako isinakay sa kotse? Alam niyo po bang kagagaling ko lang sa isang major operation? Hindi pa po totally healed ang sugat ko.” naiinis na may halong kaba na tanong niya sa matangkad na mama na hanggang ngayon ay hindi pa rin niya maalala kung saan niya ito nakita. Hindi niya alam kung saan siya ng mga ito dadalhin ngunit hindi naman ng mga ito tinakpan ang bibig niya para hindi siya makasigaw at hindi rin nakatali ang kanyang mga kamay at paa. “Your name is Janine, right?” “B-bakit mo ako kilala?” Mas lalo siyang kinabahan nang sambitin nito ang kanyang pangalan. “Isn’t it amazing how you almost

