CHAPTER FIVE- MY MASTERPIECE (ENDING) Halos lahat siguradong sasabihin na isa sa pinakamagandang lugar sa buong mundo ang Italy- from craggy peaks and verdant hills to turquoise waters lined by white-sand beaches. Maliban sa the best na art at architectural structures na doon lang makikita. Mag-isa siyang nakaupo sa Piazza Della Scala or Pedestrian Central Park. Katatapos lang ng kanyang klase kay nagpasyang siyang mamasyal muna saglit. Magdadalawang taon na rin siya sa Italy. Tinanggap niya ang scholarship na offer ng Green Earth Society sa kanya. Noong una ay pinili niyang huwag iwan ang kanyang Lola Susan, ngunit ito na mismo ang nagudyok sa kanyang umalis. Ayaw daw nitong maging dahilan na may isa siyang napakalaking oportunidad na bibitawan. Tinapos lang niya ang kanyang on-the-job
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


