“Hi, sleepyhead," ngising bulalas ko nang dumilat ang mga mata ni Dorry na kanina ko pa pinagmamasdan na natutulog. Kanina parang mapugto ang hininga ko nang mawalan siya ng malay sa mga bisig ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Takot na takot ako habang pinagmamasdan ang maputla niyang mukha. “Anong nangyari?" tanong niya at akmang uupo, pero agad kong pinigil. “ ‘Wag ka munang tumayo. Baka mahilo ka at titigil na naman ang t***k ng puso ko," lumabi ako habang sinasabi ‘yon, at saka pumwesto ako sa pagitan ng mga hita niya na agad namang nagpatirik sa mga mata niya na ikinangiti ko naman. “Ay naku! Umandar na naman ang kalibugan mo! Kasasabi mo lang, nahimatay ako, hindi ba? Gusto mo bang matuluyan na ako?" Mahinang tawa ang sagot ko sa sinabi niya, at syempre may kasabay

