Kabanata 58

1002 Words

Hindi maalis ang mga mata ko kay Nelson na parang batang natutulog; walang kamalay-malay sa gulong nangyayari ngayon. Kung gising lang siguro siya, malamang hindi siya papayag na susuong ako sa sitwasyong maari akong mapahamak. Maging ako man ay hindi gusto ang gagawin kong ‘to, pero wala akong choice. Ako lang ang maaaring gumawa nito. Ang sabi ni Jac, aalis kami insaktong alas-siyete ng gabi. Hindi naman kalayuan ang warehouse mula rito sa hospital, kaya siguradong wala pang alas-otso ay makakarating na kami do’n. At dahil hindi nga namin alam kung ako mangyayari mamaya, makakalabas pa ba ako ng buhay o hindi na, sinusulit ko na muna ang mga oras na kasama ko si Nelson. Paulit-ulit kong sinasabi sa kanya kung gaano ko siya kamahal. Na itong gagawin ko ay para maging tahimik at masa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD