Inihinto ko ang kotse ilang dipa ang layo sa entrance ng warehouse. Pero hindi agad ako lumabas. Paulit-ulit muna akong bumuga ng hangin, habang binabasa ang padalang mensahe ni Jac. Kilala na nila kung sino ang ginawang hostage ng mga kalaban. Si Atty. Larson. Hindi ko siya kilala. Ang alam ko, isa siya sa tumutulong kay Nelson at Jac. Madalas ko kasing naririnig si Jac na kausap ito sa phone. Malamig na simoy na hangin ang sumalubong sa akin paglabas ko ng kotse. Dagdag pa sa takot ko ang madilim na paligid at parang may mga matang nakatingin sa akin. Kahit parang jelly na malambot ang mga paa ko, pinilit ko pa rin na maglakad papunta sa kalawanging pinto ng warehouse na agad namang bumukas ng bahagya matapos kong kumatok ng dalawang beses. “Boss, nandito na siya!” sigaw ng lalaking

