Kabanata 53

1006 Words

Punong-puno ng pangamba itong puso ko, habang pauwi kami sa bahay. Pakiramdam ko may naka-abang na panganib sa bawat lugar na aming dinadaanan—may mga matang nakatingin at mga aninong sumusunod at nag-aabang lang ng tyempo na salakayin kami. Praning na kung praning, pero iyon ang nararamdaman ko. Kanina pa nga ako palinga-linga, sinisiguro na sumusunod pa rin sa amin ang mga pulis. “Sir, malapit na tayo," sabi ni Jac na parang naninibago sa nakikita niya sa akin. “Masyadong kang tense. Hindi ka naman ganyan dati. Ang kilala kong Nelson, hindi takot sumugod sa giyera," dagdag nito. Tinapunan ko siya ng sandaling sulyap. “Hindi sa takot ako, Jac. Ayaw ko lang na mamamatay na hindi nakikita si Dorry.” Totoo ‘yong sinabi ko. Ngayon kasi, parang may taning ang buhay ko. Basta ang hirap-hir

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD