Halatang ayaw niyang madawit sa anumalyang ginawa ng mga magulang niya. Kaya hugas kamay siya. “Wala po talaga akong alam kung nasaan sila ngayon, officer. Nakakahiya mang aminin, but minsan na lang kami nagkikita ng mga magulang ko. Busy ako sa sarili kong kumpanya, kaya kapag may special occasions na lang kami nagkikita, sagot nito. Parang tutang nagpapaawa ang hitsura. Nagkatinginan kami ni Jac. Expected na ‘yon talaga ang sasabihin niya. Makasarili nga rin ‘to si Hector. Syempre, hindi siya papayag na babagsak siya kasama ang mga magulang niya. “Let’s go! Wala tayong mapapala sa isang ‘yan! Sayang lang ang oras natin," sabi ko, pero sandali ko pa na tinapunan ng tingin si Hector na ngayon ay matalim din ang tingin sa akin. Kaagad namang sumunod si Jac at Pareng Diego sa akin. “P

