Dumaan ang mga araw, linggo at buwan, hanggang ngayon ay hindi pa rin nagigising si Nelson. Kaya heto, palagi akong nasa tabi niya. Wala akong kapaguran na alagaan siya. Walang kapaguran hintayin siyang magising at masabi ko sa kanya kung gaano ko siya kamahal. Nandito na siya sa regular room. Naghilum na rin ang mga pasa at sugat na natamo niya dahil sa aksidenteng muntik nang kumitil sa buhay niya, pero siya namang naging dahilan sa tuluyang pagtibag ng galit na nararamdaman ko sa kanya. Napalingon ako nang magbukas ang pinto. Tipid pa akong ngumiti sa pag-aakalang sina Via at Diego o, hindi kaya ay si Jac ang dumating. Pero hindi. Lalaki na hindi ko kilala ang kaharap ko na ngayon ay tuluyan nang pumasok sa kwarto at sinara ang pinto. Kumunot ang noo ko. Nagtataka sa biglang pagp

