Ang lakas ng kabog ng dibdib ko na sumabay sa mabilis na paghakbang ng aking mga paa. Kahit nanghihina na ang mga tuhod ko ay pinipilit ko pa ring humakbang, sinusundan ang doctor na ngayon ay papunta na sa operating room. Ngayon ay tanaw ko na rin si Jac at Diego na nagpalakad-lakad sa harap ng operating room. Agad din na sinalubong ng nurse ang doctor. “Doktor,” sabi ng nurse, na papasok na sana sa operating room. "Anong nangyari?” tanong naman nito. Ngayon ay nanatili muna sila sa bungad ng pinto. Inaalam ng doctor kung ano ang nangyayari. "Nagkaroon ng internal bleeding ang pasyente. He is extremely unstable right now.” Umiling-iling ang doctor. “We need to prepare for the possibility that we might not be able to stabilize him." Lumingon siya kay Jac at Diego na napatulala na

