This is it! Lahat ng plano namin ay nangyari na. Ang bilis nga na parang isang kidlat, ngayon ay pagmamay-ari na namin ng asawa ko ang kumpanya ni Hector na lumago dahil sa project na ninakaw nito mula sa mga magulang ni Dorry. Ngayon nga ay hindi mawala-wala ang ngiti ng asawa ko—mas masaya pa nga siya kay sa akin dahil hindi raw nauwi sa wala ang pagpapakasal niya sa akin. Yes, she told me everything—the arranged marriage; her reason kung bakit pumayag siya sa kasal, at iyon ay ang makalapit kay Hector, mahulog sa bitag niya, at makaganti sa ginawa nito sa mga magulang niya. “Dorry…tama na ang ngiti, para ka nang baliw d’yan,” ngising sita ko sa kanya, pero kamay niya paulit-ulit ko namang hinahalïkan; ang bango ‘e…ang ganda niya pa ngayon sa suot nitong, black satin dress na hanggan

