“Atty. Larson... is it true?” After a long suffocating silence, nagawa ko rin na magsalita ulit. “Are you my father?” Jac and Atty. Larson exchanged glances. Ramdam na ramdam na rin ang tension na bumabalot sa bawat isa sa amin. Pero walang makakatalo sa nararamdaman ko ngayon—lahat ng pinaglalaban ko, mali? Ako ang wala sa lugar! Ako ang walang karapatan. Dorry remained quiet, but her gentle hand soothed my back—siya na lang ang nagpapakalma sa nararamdaman ko ngayon na parang malakas na hangin na binabayo ang buong pagkatao ko. If Atty. Larson was indeed my father, then everything Tita Norma had claimed about the rightful place in the family business was true. I was the product of an affair, a bastard in the eyes of the De Vedras. Parang mabibiyak na ang utak ko. Ang hirap na rin h

