“Hector is dead…” Para akong nabingi matapos marinig ang balitang ‘yon. Kita ko ang pagkibot ng labi ni Jac—alam kong hindi pa siya tapos magsalita, pero wala na nga akong naririnig. Ang salitang “Hector is dead” na lang ang paulit-ulit kong naririnig. Katulad ng mga magulang niya, marami rin siyang nagawang kasalanan—ang pinakamatindi ay ang ginawa nila sa matalik kong kaibigan. Pero kanina, nararamdaman ko na handa na siyang magbago; handa na siyang ituwid ang lahat ng maling nagawa, pero sinira ng sarili nitong ina na imbes magsisi at bumukas ang isip ay sinisi pa si Hector sa kasalanan niya. “Nelson, gusto mo ba puntahan muna natin si Hector?" Mahinahong boses ni Dorry ang nagpabalik sa diwa ko. Hinaplos-haplos niya rin ang kamay ko. Ngumiti ako ng mapait, habang tumititig sa malu

