Leo's Point of view "Oh, kapatid mo Drew?" dinig kong tanong ni Sam pero masyado akong abala para lingonin pa kung sino man 'yong dumating. "Oo, si Abby," sagot ni Drew. Sandaling napasulyap ako sa kapatid pala ni Drew nang isa isa silang nag pakilala sa kaniya. Cute. "Oy Leo!" kumunot ang noo ko sa biglang pag tawag sa akin ni Sam. Makahulugan ang tingin niya kaya agad ko namang naunawaan. Tumayo ako upang pormal na mag pakilala. Gusto ko sanang matawa sa panlalaki ng mata niya habang tinitignan akong mag lakad papalapit sa kaniya. "Leosito," iniabot ko ang kamay ko. Nag pakilala rin siya. Masyadong malaki ang ngiti niya at mahigpit ang hawak sa kamay ko. Umalis na rin naman siya matapos mukhang ma-badtrip kay Andrew. Bumuntong hininga nalang ako at dumiretso sa C.R matapos n'o

