People are always waiting for the perfect timing to speak, or to say something. But I guess, there's no such things. Speak whenever you want, before it's too late. Nakita ko ang gulat sa mata ni Daddy at Kuya dahil sa sinabi ko. Si Mommy naman ay bahagyang ngumiti lang na para bang sinasabi na proud siya sa akin. Lumakas tuloy ng konti ang loob ko. Nagulat ako nang tumayo si Tita Jasmine at lumapit kay Kuya Leo. "Ang guwapong bata naman pala ng boyfriend mo, Abby. Kaya pala proud na proud ka," saad niya at tumawa. Kagaya ng sinabi ko, mas mukhang bata si Kuya Leo kaysa sa edad niya. Palagi kasi siyang nakangiti. "Halika, hijo, saluhan mo kami." Gumaan ang pakiramdam ko dahil sa mag entertain sa kaniya ni Tita Jasmine. Pero nagulat din ako sa sagot ni Daddy. "No!" mariin niyang tug

