Hindi ko alam kung ano na ang gagawin ni Kuya Leo, but he assured me na magiging okay ang lahat. I should just trust him. Pabalabas na ako ng kuwarto ni Aerah. Ilang linggo na rin siyang nandito at sabi naman ng doctor e puwede na siyang i-discharge. Pauwi na sana ako dahil nag dala lang naman ako ng ilang pagkain. Nado'n na rin 'yung parents ni Aerah kaya hindi na kami masyadong stress sa pag babantay. Marami pa akong kailangang ipasa sa new school ko kaya nag mamadali ako. May ibang papers pa na naiwan sa Italy at ako rin ang nag aayos na makuha 'yun since busy si Mommy. "Abigail," napalingon ako sa tawag ng isang pamilyar na boses. Nasa hallway ako ngayon palabas na sana ng hospital. Napalunok ako nang makita kung sino 'yun. "Ate Dan," tinignan ko siya sa mata. Halatang kaiiyak

