Umakyat ako sa rooftop para sandaling magpahangin. Kanina pa kasi ako sa kwarto ni Aerah at medyo nainip na rin ako. Sandaling dinama ko pa ang hangin at pinag masdan ang magandang view mula sa kinatatayuan ko. Sa totoo lang, na-miss kong umakyat ng rooftop. Matapos kasi nung nangyari sa 'min ni Kuya Leo e, pakiramdam ko nagkaroon ako ng phobia sa mga rooftops. Hindi na ako umakyat muli sa kahit saang rooftop. Ngayon nalang ulit. Part of moving on, I need to forget everything. Kinuha ko ang phone ko at nag shuffle sa spotify. Sakto naman na tumugtog 'yung The Gap Between Us ng 5hours. Matagal ko nang hindi napapakinggan ang kantang 'to. Pumikit nalang ako at dinama ang malumanay na musika. Hindi ko fan ng music, minsan kumakanta ako, pero basta kanta lang, pake ko ba sa lyrics no'n 'd

