"Okay lang ako na bahala," pag pupumilit ko pa habang sinisikap na bawiin ang kamay ko pero gusto niya talaga na siya na ang gumamot dito. "Ang clumsy mo pa rin," saad niya, napangiwi naman ako. Hindi naman ako ganoon ka-clumsy. Tinignan ko lang siya habang may inilalagay siya sa parte ng kamay ko na napaso at hinihipan 'yon. Nakita ko kung paanong nag salubong ang kilay niya habang ginagawa 'yun. Napaiwas naman ako nang mag angat siya ng tingin. Naramdaman niya siguro na nakatingin ako sa kaniya. "Ah, okay na 'yan," saad ko at binawi ang kamay ko. Akmang tatayo na sana ako para umalis nang hawakan niya ang pulsuhan ko. "Abby, sandali," saad niya. Nilingon ko naman siya na ngayon ay seryosong nakatingin sa akin. "Can we talk?" he asked. I shrugged. "We're already talking, don't w

