"Ang sipag talaga, Leo!" napalingon ako sa tawag na 'yon ni Grant. Tinapik niya ako sa balikat. "Kaya ma-inlove sa 'yo mga intern dito e," pang aasar niya pa. "Ewan ko sa 'yo, bakit nandito ka?" tanong ko habang chine-check ang mga patient sa ward. "Bakit, bawal mag pa-check up?" sarkastikong tugon niya. "Naresetahan na po ba kayo ng gamot?" tanong ko sa matandang pasyente na sinusuri ko ngayon. Tumango nalang siya. "Bro, ano na, anong oras ka ba natatapos?" inip na saad niya. May lakad kasi kami e excited masyado, gusto yata na mag out na ako. "Mamaya, Grant umalis ka nga riyan!" inis na saad ko, kinabig siya para umalis sa dadaanan ko. Palabas na rin ako ng ward. "Huwag mong ipakita ang tunay na kulay mo sa mga pasyente niyo!" saad niya kaya naman napa-iling nalang ako. "Leos

