Mahigpit kong hinawakan ang kamay ni Abby. Pinagmasdan ko ang mukha niya na mahimbing at payapang natutulog, pero mababakas dito ang lungkot na nadarama niya. Hindi ko pa rin maiwasang hindi sisihin ang sarili ko sa lahat ng nangyayaring ito. Hindi rin mawala sa isip ko ang sinabi ni Andrew kanina. "Aalis ka ulit?" tanong ko kahit na hindi sigurado kung naririnig ba niya ako. Tumikhim ako at mapait na napangiti. "Iiwan mo ulit ako, pero okay lang. Alam ko na para sa ikabubuti mo 'yon." Pinagmasdan ko ang kamay niya na hawak ko bago muling dumako sa mukha niya. Naramdaman ko nalang ang mabilis na pangingilid ng luha sa mga mata ko at ang unti-unti nitong pag tulo. Sinubukan ko pa ring ngumiti. "Love, hihintayin kita. Okay lang sa 'kin kahit ilang beses mo akong iwan. Kung kailan mo ako

