"Kuya..." "Kuya?" "Kuya—gising na si kuya, Mama gising na si po si kuya," rinig kong sunod-sunod na saad ni Louisse. "Naku, Louisse, tawagin mo ang doktor, bilis!" Marahan kong iminulat ang mata ko at bumungad sa akin ang puting kisame ng lugar kung nasaan ako ngayon. "Opo Ma." "Leosito, anak, gising ka na ba?" naramdaman ko ang mga haplos ni Mama sa akin. Nanlalabo pa ang paningin ko pero unti-unti rin namang bumalik sa normal. Masakit ang buong katawan ko pero pinilit ko na tumayo. "Anak huwag mong pilitin ang sarili mo," saad ni Mama pero hindi ko pinakinggan. Napahawak nalang ako sa ulo ko nang maramdaman ang matinding kirot mula rito. Doon ko naalala ang mga nangyari. "Ma, nasa'n si Abby?" tanong ko at tumingin kay Mama. Nakita ko kung paanong natahimik si Mama dahil s

