Ella POV Nagulat ako sa ginawa ni Steven. Nakumpirma kong totoo nga ang sinasabi ni Camilla sa akin. Totoong may nangyari na sa kanila ni Steven at kung hindi ako umiwas ay siguradong doon din kami mapupunta. Hindi ako makakapayag. Hindi ko alam kung ano ang nakapagpabago sa kanya. Ngayon lang siya naging ganito mula nang araw na ikinasal kaming dalawa. Kaya puno ng katanungan ang isip ko kung totoo ba ang sinasabi ni Camilla na mahal talaga ako ni Steven. Kapag nagkataon baka hindi siya pumayag na ma-annual ang kasal naming dalawa at hindi ako papayag na mangyari yun. Dahil kahit katiting ay wala akong nararamdaman para sa kanya. Kahit napakagwapo niya at napakaganda ng katawan niya ay hindi ako mahuhulog sa kanya. Malinaw sa puso ko na si John ang tunay kong mahal, kaya hindi ako m

