Steven POV Isang oras na ang nakalipas mula nang paalisin ko si Ella. Kung hindi pa siya umalis sa harapan ko. I swear masasaktan ko talaga siya physically. I can’t control myself lalo pa nasa systema ko ang alak. Hindi ako makapag-isip ng maayos. Iisipin ko pa lang kung nasan ngayon ang babaeng mahal ko para na akong mababaliw. Lalo akong nagagalit sa aking sarili dahil wala akong magawa. Kung alam ko lang kung nasan siya ngayon ay pupuntahan ko agad siya at ibabalik sa pamamahay ko. Kaagad kong dinampot ang bote ng whisky sa ibabaw ng table. Pakiramdam ko kulang pa. Kulang pa ang kalasingan ko para makatulog ako. Tinungga ko ang lamang alak hangang sa maubos na ito. Gusto ko pa! Gusto ko pa! Bakit kahit anong pag-inom ang gawin ko hindi mapanatag ng utak ko! Bakit pakiramdam ko ay gal

