Camilla POV Kahit nakapiring ang aming mga mata. Nararamdaman ko ang panganib sa paligid namin. Nakaupo kami ni Ella habang nakatali ang kamay at paa namin. Nanginginig pa rin ang katawan ko dahil sa takot. Dalawa na kaming nasa panganib at hindi ko alam kung makakalaya pa kami ni Ella sa kamay ni Kade. “Kade, alam ko nandyan ka. Walang kasalanan sa’yo si Steven. Mas mabuti pa kung sumuko ka na lang sa mga pulis para hindi bumigat ang sentensya mo.” Saad ko. Pilit kong pinapatapang ang sarili, dahil wala ring mangyayari kung parehas kaming matatakot ni Ella. Gusto kong ipaunawa sa kanya na mali ang ginagawa niyang paganti. Naramdaman ko ang mahigpit na paghawak sa baba ko kaya napangiwi ako. Mabilis niyang tinangal ang piring ko kaya nakita ko ang kabuohan ng mukha niya. Sariwa pa d

