Camilla POV Namulat ako dahil sa naramdaman kong pagpisil sa kamay ko. Naamoy ko din ang pamilyar niyang amoy sa tabi ko. Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko at ibinaling ko ang tingin sa kanya. “Steven?” Sambit ko. Nakita ko ang luha sa mga mata niya. At napansin ko na nasa hospital na naman kami. Hindi ko na alam ang huling nangyari. Naramdaman ko na lang ang malakas na paghila sa kamay ko ni Ella. Upang makalayo sa tuluyang pagbagsak ng Tren. Nakita ko pa ang pagpikit ni Kade. Bago siya tuluyang madaganan ng malaking Tren. Kumalat at nag talsikan ang iba pang bahagi nito sa sahig. At binalot pa ng makapal na alikabok at usok ang paligid. Sa sobrang lakas ng pagkakabagsak ng malaking bagay na iyon ay sumubsub kami ng tuluyan ni Ella. Naramdaman ko din ang ilang bubog na tumalsik

