Camilla POV Larawan ng isang masayang pamilya ang panibagong buhay na binigay sa akin ng Diyos. Hindi ko akalain na sa kabila ng pinagdaanan kong hirap sa buhay ay magiging masaya pa ko. May kompletong pamilya at may minamahal. Ano pa nga ba ang mahihiling ko. Sa loob ng halos dalampung taon ko sa mundo. Hindi ako nanghinayang dahil lumaki akong mabuting tao kina Inay at Itay. Alam ko mali ang ginawa nilang pagtakas sa akin at itira sa malayong kabihasnan pero sa kabila noon natuto akong maging kontento sa lahat ng meron ako salat man kami sa pera hindi naging kabawasan yun sa pagkatao ko. Siguro hangang duon na lang talaga ang buhay nila. At ako ngayon pa lang mag-uumpisa ang buhay ko kasama ang mga taong nagmamahal sa akin. “Mariella Anak, napakalaki ng utang namin sa’yo. Gusto mo ba

