Ella POV Masaya ako dahil nakumpirma na ang katotohan sa pagitan namin ni Camilla. May kaunting tampo akong naramdaman dahil inilihim nila sa akin ang lahat ngunit nang ipaliwanag na ni Dad kung bakit nila nagawa yun ay nakaramdam ako ng awa sa kanila ni Mom. Hindi madali ang malayo sa sarili mong anak. Lalo pa kung hindi mo alam kung ano ang naging buhay niya. Kaya nagpapasalamat ako sa diyos. Dahil ako mismo ang nakatagpo sa kalahati ng pagkatao ko. Gusto kong magsisi dahil ginamit ko ang sarili kong kapatid para makawala ako kay Steven at napahamak din siya ng ilang ulit ng dahil sa akin. Pero ngayon nakikita ko kung gaano siya kasaya sa lalaking ikinasal sa akin naisip ko na lang na may mga bagay talaga na nakatakdang mangyari. Bumalik sa ala-ala ko ang pagsalpok ng payat niyang kat

