Camilla POV Mabilis na lumipas ang mga araw. Tuluyan ng napawalang bisa ang kasal nila ni Ella. Alam ko masaya ang kapatid ko kahit hindi niya sinasabi sa akin ay ramdam ko ang nararamdaman niya. Nakikita ko din na masaya si Steven. Lalo pa nang malaman namin na isang buwan na pala ang dinadala ko. Pakiramdam ko tuloy mas excited pa siya kaysa sa akin. Kahit sila Mama at Papa ay lagi din akong kinukumusta. Tinatapos lang ni Papa ang business niya sa abroad at uuwi na rin sila. Si Steven kasi gusto na agad niyang makasal kaming dalawa. Ang gusto sana ni Steven ay gawing bongga ang kasal namin kaya lang hindi ako pumayag dahil ano na lamang ang iisipin ng ibang nakakikilala sa kanya kapag nalaman nila na magpapakasal ulit si Steven sa iba at sa kakambal pa ng naging asawa niya. In two

