Camilla POV Tuliro akong nakasakay sa kotse. Napapansin din yun ni Mang Jhune ngunit pinilit ko na lang na maging tahimik. Sana mali ang hinala ko. Sana hindi totoo ang iniisip ko. Kanina pa tumatawag si Steven sa akin pero hindi ko sinasagot. Sigurado akong nasa kompanya pa siya at mamaya pa ang uwi niya. Ayaw ko siyang kausapin sa phone dahil gusto kong marinig na sabihin niyang mali ako. Na wala siyang kinalaman sa pagkawala ni Itay. Ngunit ang katotohan na nakita ko mismo si Kuya Phillip noong araw na yun at kinilala pa ni Manang Mercing si Steven ang nagbibigay patunay na may kinalaman siya sa lahat ng iniisip ko. Pilit kong pinapakalma ang aking sarili. Dahil alam ko makakasama sa akin ang labis na pag-iisip. Ngunit sa tuwing pinipigilan ko ang pagtulo ng aking luha. Lalong gustong

