Camilla POV Wala akong magawa kundi pumasok sa loob ng bahay. Hindi ko alam kung nasaan si Steven. Pero sana hindi ko muna siya makita. Mabigat pa sa loob ko ang mga nangyari. Pag-akyat ko sa taas ay hindi ko pa rin siya makita. Pumasok na ako sa kwarto namin pero wala din siya doon. Inayos ko ang aking sarili upang magpahinga. Natatakot ako na baka kung mapano pa ako kapag itinuon ko pa rin ang sarili ko sa sakit na nararamdaman ko. Pero kahit anong iwas ko hindi ko talaga alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung anong pipiliin kong desisyon dahil masasaktan at masasaktan pa rin ako. Hindi ko napansin na nakatulog na pala ako. “Camilla. I love you!I know hindi ko na maibabalik ang buhay ng Itay mo at mabubura lahat ng pinagdaanan mo. But I swear, mahal na mahal kita. Please forgive me

