Steven POV Alam ko ayaw niya akong makita at makasama sa kwarto kaya pinili kong matulog sa guest room. Nagpakalunod ako sa alak dahil hindi ko kayang nagdurusa siya ng dahil sa akin. Kahit anong gawin ko hindi niya ako mapatawad. Nag-aalala ko sa kanya dahil sa kalagayan niya. Gustuhin ko man siyang puntahan at yakapin hindi ko magawa dahil ako ang dahilang ng pag-iyak niya. Natatakot akong iwan niya ako ng tuluyan kaya mas lalo kong nilunod ang sarili ko sa alak. Kinabukasan gumising ako na masama ang pakiramdam. Pinilit kong bumangon dahil marami pa rin akong tinatapos sa opisina. Gusto ko sanang magbakasyon kami sa malayong lugar pagkatapos ng kasal naming dalawa kaya hinahapit ko ang oras ko. Ngunit ngayon, hindi ko alam kung matutuloy pa ba lahat ng plano ko. Bago ako umalis ay

