Chapter 32: Nakatayo siya sa gitna ng hardin, nakatalikod sa mansiyon at paminsan-minsan na tinitingala ang maliwanag na kalangitan dahil sa kinang ng mga bituin at ng bilog na buwan. Huminga siya nang malalim bago niya niyakap ang sarili na halos balutin na ng lamig ng simoy ng hangin. “Lila, kumuha ka talaga ng bato at pinukpok mo sa sarili mo. Ang tapang mo kanina na makipagsagutan sa anak ng demonyo na iyon, a. Panindigan mo iyang tapang mo.” Naramdaman niya ang pagpatong ng tuxedo sa kaniyang mga balikat. “Bakit ka nandito sa labas nang sleeveless lang ang suot? Baka magkasakit ka, Miss Maid.” Tumingin siya sa Amo niya na nakasuot ng puting longslib na binutones hanggang leeg, itim na slacks at itim na sapatos pang opisina. Totoo ang sinabi nila na kung pagmasdan ang Amo niya ay

