Chapter 16: Nakamasid lang siya sa paligid, mas lumamig pa ang trato ni Ryllander sa kaniya. Ewan ba niya sa Amo niyang iyon. Nangalumbaba siya habang ang siko ay nakapatong sa riles ng veranda. Tumitig siya sa baba at nakita ang mga kasamahan niyang nasa hardin. Mabuti pa ang mga iyon, hindi madalas na pagalitan ni Ryllander. Sinubukan niyang kausapin ang Amo niya tungkol sa pagbabawal nito sa kaniya na lumabas, pero nabigo siyang makumbinsi si Ryllander na tapusin iyon. Nakaramdam siya ng pagkabagot kaya’y bumaba siya. Tumungo siya sa kinaroroonan ni Topeng at agad siyang umupo sa tabi nito. Nagbabaraha ang Mama, kasama ang dalawang drayber ni Ryllander, habang ang ibang kasambahay at helper sa bahay ay nanonood lamang ng laro nila. “Alas,” wika ni Topeng at pinatihayang ang isang

