Chapter 17: Umahon siya mula sa kama ni Ryllander at agad niya itong sinimangutan. Subalit walang saysay kung tatalakan niya ito sapagkat mahimbing na itong natutulog. Inabot pa ng Amo niya ang isang unan at tinakip ito sa buong mukha nito. Tumingin siya sa kaniyang damit na nabasa dahil sa suka ng lalaki. Ilang segundo pa ang lumipas ay pinagmasdan niya ang kalat sa bawat parte ng sahig. Nanggigil siya sa Amo niya, subalit ang tanging nagawa na lamang ni Lila ay ang titigan nang masama si Ryllander habang ang mga palad ay nakayukom. Ilang oras siyang naglinis sa loob ng silid ni Ryllander, kaya naman ay para bang sasabog na siya sa inis tungo sa Amo niyang kay himbing ng tulog sa ibabaw ng kama. Naiingit siya sa lalaki na parang mantikang hindi naarawan, habang siya ay daig pa ang galu

