Chapter 40: Naging masigla na siya ulit magmula nang bumalik na sa nakasanayan ang trato ni Ryllander sa kaniya. Sa katunayan ay mas naging malapit sila ng Amo niya sa isa’t isa. May mga personal na impormasyon na sinabi si Ryllander sa kaniya. Kaya’y hindi mapawi ang kaniyang takot na baka bigla na lang siyang makaamin sa Amo at maging dahilan ito ng pagkakawalay niya sa tabi nito. Ang kaniyang pinsan ay tumawag sa kaniya. Natuwa siya sapagkat ilang linggo na rin siyang hindi nakatawag doon buhat ng maraming gawain bilang pekeng kasintahan ng Amo niya. “Ate, hindi mo naman sinabi sa amin ni Tiya na ikaw ay mayaman na pala!” “Etang! Ano ba ang ibig mong sabihin? Paano ako magiging mayaman, aber? Ako ay hamak na kasambahay lang dito! Iyong Amo ko ang tiyak na mayaman, pero ako? Hindi

