Chapter 39: Ilang araw na hindi siya kinausap ng Amo niya. Mabigat iyon sa kaniyang damdamin dahil sanay na siya sa trato na pinakita ng Amo niya sa kaniya. Matamlay niyang niligpit ang mga gamit ni Ryllander na nakakalat sa loob ng silid nito. Nagsimula ang pag-iiwas ng Amo niya noong nagdesisyon siyang patawarin si Marky. Mahirap sa kaniya ang muling maranasan ang malamig na trato ng Amo niya. Nang hapon ay kaniyang inabangan si Ryllander sa mismong silid nito. Pinadaplis niya ang kaniyang titig sa mga baril na sa tingin niya ay bagong linis ng Amo niya. Umiling siya at bahagyang ngumiti nang bumukas ang pintuan. “Sir Ryllander?” Iniwasan siya ng Amo niya. Umupo ito sa kama at nagpakaabala sa paghuhubad ng mga sapaw na saplot nito. Humalukipkip siya sa harap ng Amo niya, subali

