Chapter 38: Gano’n na lamang ang agad na ikinalaki ng mga mata niya sa kaniyang nakita. Nakabitay ang mga kamay ng isang lalaki na duguan ang mukha. Pinagpawisan rin ito at panay ang pagluha. “A-Ano’ng ginagawa mo?” tanong niya sa Amo niyang nakatalikod sa kaniya. Pinihit nito ang kamay niya at inakbay siya nito. Gumalaw ang ilang bahagi ng kalamnan ng kaniyang mukha nang hinalikan ni Ryllander ang kaniyang pisngi. “As, hindi mo ba nagustuhan ang gift ko para sa iyo?” tanong nito sa kaniya. “Nag-effort ako para trabahuhin ang paghahanap sa loko-lokong ito. Look at him.” Humiwalay siya kay Ryllander. Tinitigan lamang niya ito at agad humingi ng mas malinaw na paliwanag mula rito. “Sino ba siya?” “As, hindi mo ba naalala? Noong gathering? He’s the man who harmed you!” “M-Miss Lil

