Sabay silang bumaba ni Lance para mag almusal. Pakiramdam nga n'ya busog na s'ya sa mga ginawa nila ni Lance sa loob ng bathroom, sa mismong bathtub, habang nakababad ang mga katawan nila sa maligamgam na tubig. Sa ikalawang pagkakataon naisuko na naman n'ya ang sarili kay Lance, inangkin s'ya nito sa bathtub sa ibang posisyon hindi tulad kagabi, at aaminin n'yang mas nagustuhan n'ya ngayon ang nangyari sa kanila nito, dahil 'yon sa wala ng masyadong hapdi s'yang naramdaman tanging sarap na lang. "Good morning po Sir Lance," bati ni Manang Nena sa kay Lance ng magtungo na sila sa komedor para kumain. Pansin n'ya ang pagsulyap-sulyap sa kanya ni Manang Nena, alam n'yang alam na nito kung ano ang namamagitan sa kanila ni Lance, imposibleng hindi pa nasabi ni Manang Lumen rito. "Good mor

