Chapter-1
Kanina pa siya umiinom sa isang luxury bar, ang G.S Bar na pagmamay-ari ni Gab Saavedra. Nagpapakalasing talaga siya. Nais niyang maglasing para makalimot sa sakit na nararamdaman niya. Alak ang tingin niyang sagot sa problema niya.
“I hate… you… Gael… Saavedra,” paputol-putol na sambit niya. “I am… Ju-li-a San-tillan…” lasing na sabi niya sa sarili. At muling nilagok ang bote ng alak.
Nakakarami na siya at nakakaramdam na rin siya ng pagkahilo. Maingay ang buong bar at halos nagsasaya ang mga tao roon. Tanging siya lang yata ang nagluluksa.
Paano naman siyang hindi magluluksa? Kinasal na ang lalaking dapat niyang pakasalan. Ano pang saysay ng buhay niya ngayong kinasal na si Gael sa ibang babae?
Si Gael Saavedra lang ang misyon na binigay sa kanya ng ama. Buong buhay niya, hinubog siya ng ama na kailangan isang Saavedra ang mapapangasawa niya. At dahil si Gael ang natipuan niya, si Gael ang napili niya sa tatlong magkakapatid. Pero nabigo siya. Hindi niya nagawa ang nais ng kanyang ama na makasal kay Gael.
Isa pang dahilan kung bakit andito siya sa bar at nagpapakalasing ay dahil sa ama. Tiyak na sesermunan siya nito at pagsasabihan na naman ng kung anu-ano. Para sa kanyang ama, isa siyang walang kuwentang anak dahil mula pa noon ay hindi na niya mabihag-bihag si Gael. Mas lalo na ngayong kasal na si Gael, mas lalo na siyang walang pag-asa at walang kuwenta sa ama.
Matapos maubos ang laman ng bote, tumayo siya mula sa kinauupuan. Pasuray-suray siyang naglakad palabas ng bar. Kung saan siya pupunta ay hindi niya alam. Basta ang alam niya, hindi na siya puwedeng umuwi sa kanila dahil panigurado, palalayasin din siya ng ama.
Papalabas siya ng bar nang biglang may makabunggo papasok.
“Ouch,” maarteng tili niya.
Nahawakan naman siya ng taong nakabunggo sa kanya bago pa siya bumagsak.
“Are you okay?” tanong ng lalaki na agad niyang naamoy ang spicy cologne nito.
Sinulyapan niya ang lalaki, pero hindi niya ito masyadong maaninag dahil sa madilim na paligid. Inayos siya ng tayo ng lalaki. Nagpasalamat naman siya at naglakad na palabas ng bar.
Lasing siya pero hindi naman ganoon kalasing. Kahit hindi niya naaninag ang lalaki kanina, panigurado niyang gwapo ‘yon. Amoy gwapo kasi.
Naupo siya sa hagdan at pinagmasdan ang mga taong paroo’t parito na may mga kasamang partner at masayang naglalakad.
“Mabuti pa sila,” bulong niya.
Buong buhay niya, sinentro niya ang sarili sa pagiging asawa ni Gael Saavedra dahil ‘yon ang gusto ng ama. Kahit simula pa lang, ramdam na niyang hindi siya gusto ni Gael, pero pinilit pa rin niya para masunod ang kagustuhan ng ama.
Wala siyang naging nobyo sa edad niyang bente tres. Wala pa ni isang lalaking nakalapit sa kanya. May mga nanligaw na agad niyang pinapranka, dahil lahat ‘yon para kay Gael. Pero ngayong wala na siyang pag-asa pa kay Gael, may asawa na ito, ano pang silbi ng buhay niya?
“I hate my life,” she whispered.
Tumayo siya mula sa pagkakaupo at naglakad pasakay ng elevator. Alam niya ang pasikot-sikot ng mataas na building na ito sa San Sebastian. Madalas kasi siya noong kabataan niya sa building na dating pasyalan at ngayon ay ginawang malaking luxury bar sa ibaba at mga condo units sa itaas, gawa ng mga Saavedra, of course.
Nagtungo siya sa rooftop. Malakas na hangin ang sumalubong sa kanya. Halos liparin ng hangin ang mahaba niyang buhok at suot na bestidang abot lang hanggang tuhod niya. Sinamyo niya ang malamig na hangin at naiyak muli.
Naaawa siya sa sarili, dahil napakalaking failure niya. Wala siyang trabaho kahit nakapagtapos naman siya ng pag-aaral sa Colegio de San Sebastian sa kursong fine arts. Hindi kasi siya sigurado kung ano ang gusto niya noon, at isa lang ang alam niya at laging sinasabi ng ama: hindi na niya kailangan magtrabaho pa kung isang Saavedra naman ang mapapangasawa niya. Panigurado daw na mamumuhay siyang reyna kapag kinasal siya kay Gael Saavedra.
“The f**k!” mura niya at naglakad sa gilid ng building.
Mula sa kinatatayuan niya, nakikita niya ang mga naglalakiang mga building sa bayan nila. Kung hindi siya nagkakamali, ang mga Saavedra din ang nagmamay-ari.
Naisip niya ang buhay niya kung siya ang pinakasalan ni Gael. Magiging pagmamay-ari niya lahat ng kay Gael. Mamumuhay nga siyang reyna.
“f**k you, Gael Saavedra, for choosing other woman over me! f**k you!” sigaw niya. Nais niyang ilabas ang sama ng loob niya kay Gael.
“I hate you, Gael! I hate my f*****g life!” patuloy lang siya sa pagsigaw at pag-iyak. Pakiramdam niya, wala nang saysay ang buhay niya.
Alam niyang kung uuwi siya sa bahay nila, sermon ng ama ang sasalubong sa kanya at mamaliitin siya ng ama. Isa lang ang misyon niya at hindi pa niya nagawa. Baka nga itakwil pa siya ng ama dahil sa nangyari. Isama pa ang kahihiyan ng pamilya niya sa mga nakakaalam na ikakasal siya sa isang Saavedra.
“I need to end my life here, bago pa ako pagtawanan ng mga tao,” umiiyak na sabi niya at napatingin sa katamtamang bakod ng rooftop. Kaya niyang akyatin ‘yon.
Umiiyak siyang umakyat roon. Sinilip ang ibaba. Nalulula siya. Halos wala siyang makita dahil madilim ang buong paligid.
“I need to do this, para matapos na ang lahat,” umiiyak na sabi niya. “I hate everyone! I hate my life!” sigaw niya.
Buo na ang desisyon niyang wakasan ang kanyang buhay. Hanggang doon na lang marahil ang buhay niya.
Nang biglang may humila sa kamay niya. Napatili siya at naramdaman na nahulog siya mula sa kinatatayuang pader. Mabilis ang mga pangyayari. Bumagsak siya sa matipunong dibdib ng isang lalaki habang mahigpit ang hawak ng lalaki sa braso niya at isang kamay naman ay nakayakap sa bewang niya.
Madilim ang buong paligid kaya hindi niya masyadong naaninag ang lalaki. Pero naamoy niya ang spicy mint cologne ng lalaki. Ito rin ang amoy na naamoy niya kanina sa lalaking nakabunggo sa kanya sa bar.
Nagtama ang kanilang mga mata. Tanging malilim na ilaw at liwanag lang ng buwan ang nagbibigay liwanag sa kanila. Tila nag-uusap ang kanilang mga mata habang titig na titig sa isa’t isa.
“Are you okay?” he asked. His voice is husky and perfectly sexy.