Chapter-2

1095 Words
Tila naman siya natauhan nang marinig ang magandang boses ng lalaki. Mabilis siyang tumayo mula sa pagkakaibabaw niya rito. Pagtayo, pinagpag niya ang bestida at inayos ang suot at buhok. Inis na binalingan niya ang lalaking pabangon mula sa semento. Napansin niya ang pagngiwi nito nang hawakan ang siko nito. Marahil nagasgasan ang siko nito sa biglang pagbagsak nila sa semento. Napakagat-labi siya at nag-iwas ng tingin. Sinulyapan niya ang pader na inakyat niya kanina. Balak na niyang tumalon talaga at wakasan na ang lahat. Pero naudlot dahil sa lalaking ito. Inis niyang binalingan ang lalaking ngayon ay nakatayo na sa harapan niya. Kumunot ang noo niya habang nakatitig sa lalaki. Matangkad ang lalaking kaharap, nakasuot lang ng kaswal na T-shirt at jacket, maong pants at Chuck Taylor shoes. Napalunok siya nang mapagmasdan ang mukha nito. Maganda ang hugis ng mukha nito, may balbas sa gilid ng pisngi. Napalunok siya nang maramdaman ang pagtibok ng puso niya habang nakatitig sa lalaki. Gwapo ito, as in gwapo. Lalaking-lalaki ang itsura. Sa kauna-unahang pagkakataon, may nakita siyang lalaking higit na gwapo kay Gael. May hihigit pa pala kay Gael Saavedra. “Who are you?” wala sa loob na tanong niya sa kaharap habang pilit pinipigilan ang atraksyon na biglang naramdaman sa kaharap. Hindi niya mapigilan ang pagtibok ng kanyang puso habang nakatitig sa gwapong lalaki. “It doesn’t matter, Miss. You are about to jump and kill yourself, hindi ba?” kunot-noong tanong nito. Oo, ‘yon ang balak niya pero naudlot dahil dumating ito. Pasimple niyang lumingon muli sa pader. She really want to jump and kill herself now. Wala na rin naman siyang dahilan pa para mabuhay. “Yes! I want to end my life, Mr. And I want to end it now!” hiyaw niya at akmang aakyat muli sa pader nang hilahin siya ng lalaki sa bewang, payakap. Nagpumiglas siya at nagtitili nang buhatin siya palayo sa may pader ng building. Nagtitili siya at parang batang nagpupumiglas nang buhatin siya ng estrangherong lalaki. “Get off of me!” sigaw niya. Pero hindi siya binitiwan ng lalaki. Nagulat siya at lalong nagtitili nang pasanin siya ng lalaki sa balikat nito. Nagpapadyak siya para ibaba siya ng lalaki. Pero parang wala siyang kabigat-bigat kung pasanin lang ng lalaki. “Ibaba mo ako!” sigaw niya, kasabay ang pagpadyak sa lalaki at pagsuntok sa likod nito. “Pwede ba, tumigil ka!” sigaw ng lalaki habang humahakbang. “Ano ba! Ibaba mo ako!” tili pa rin niya at napansin na papasok na sila sa pintuan kung saan siya dumaan kanina. Pagpasok sa loob, agad siyang binaba ng lalaki at sinara ang pintuan. “How dare you para makialam sa akin?!” galit na tanong niya at umigkas ang kamay para sampalin ang lalaki. Pero nahuli nito ang kamay niya. “Don’t you dare, Miss,” banta nito at masamang tingin ang pinukol sa kanya. Nakaramdam siya ng takot sa lalaki. At lalong humigpit ang pagkakahawak nito sa braso niya. “I don’t know what’s got in your head, Miss, but killing yourself is not the f*****g answer to your problem,” mariing sabi nito habang mahigpit na hawak-hawak ang kamay niya. Kumunot ang noo niya. Sino ba ito para sabihan siya? Hindi naman nito alam ang pinagdadaanan niya. “For me it is the answer! Killing myself is enough to escape all of these f*****g problems!” hiyaw niya at marahas na binawi ang brasong hawak ng lalaki. “You don’t know my problem, Mr., kaya huwag mo akong pakialaman!” sigaw niya at buong lakas na tinulak ang lalaki. Napasadsad ito sa pintuan. Nakakuha siya ng pagkakataon para makaiwas sa lalaking pakialamero. Mabilis siyang nagtakbo pababa ng hagdan. “Sandali!” “Pabayaan mo ako!” sigaw niya. “Miss,” tawag ng lalaki sa kanya. “Leave me alone! Pabayaan mo ako!” tili niya at mabilis na inalis ang bag na nakasabit sa katawan. Ibinato niya ang bag sa lalaki para huwag na siyang sundan pa at hayaan na lang. “Wait, Miss! Sandali!” tawag ng lalaki sa kanya, pero nagtuloy lang siya. Mabilis siyang sumakay sa elevator nang bumukas ‘yon. Hindi niya kilala ang lalaki, pero alam niyang nais lang siyang tulungan nito, nais iligtas sa pagpapakamatay na gagawin niya. At nagawa naman ng lalaking ‘yon na pigilan siya. Dahil napatibok nito ang kanyang puso sa kauna-unahang pagkakataon. “Sino kaya siya?” Nang makalabas ng building, agad siyang sumakay ng taxi. Nagpahatid siya sa condo unit ng nag-iisa niyang kaibigang si Geraldine. Wala na siyang matatakbuhan pa. Hindi siya puwedeng umuwi sa kanila. Hindi siya puwedeng umuwi sa unit ng Kuya Dylan niya. Tiyak na sesermunan lang din siya ng kapatid. “What? Saan ka naman pupunta?” gulat na tanong ni Geraldine nang sabihin sa kaibigan na aalis siya ng San Sebastian at kailangan niya ng pera. Wala siyang pera dahil alam niyang soon puputulin na ng ama ang mga cards niya. Wala siyang cash, dahil wala naman siyang trabaho, umaasa lang siya sa mga magulang at sa Kuya Dylan niya. “Please, Geraldine. Mabaliw ako kapag nanatili pa ako dito sa San Sebastian,” pakiusap niya sa kaibigan. Alam niyang alam na ng kaibigan ang problema niya, dahil isa ang ama ni Geraldine sa mga shareholders sa kompanya ng mga Saavedra. At kanina sa meeting, alam niyang dinala ni Gael ang asawa nito para ipakilala na sa mga shareholders ng kompanya. “Fine, matitiis ba kita? Make sure na huwag mong pababayaan ang sarili mo, and please, Julia, bumalik ka once na okay ka na,” sabi ng kaibigan. Tumango lang siya sa kaibigan. Kung alam lang ng kaibigan na this is her second life. Kung hindi lang dahil sa lalaking ‘yon, baka pinaglalamayan na siya ngayon. “Halika nga dito,” sabi ng kaibigan at niyakap siya. Mahigpit din niyang niyakap ang kaibigan. Matapos makausap at makahiram ng pera kay Geraldine, umalis na siya sa condo unit ng kaibigan. Kung saan siya ngayon pupunta ay hindi pa niya alam. “This is the reality, Julia,” bulong niya sa sarili. Magsisimula siya muli ng kanyang bagong buhay. Baka kaya hindi niya nawakasan ang kanyang buhay kanina ay dahil may dapat pa siyang gawin sa buhay niya. Baka matapos ang sakit at hirap ay kaligayahan naman ang susunod na dadanasin niya. “I’m going to start a new life. New Julia Santillan. Not the old one na always nakadepende kay Kuya Dylan at kina Daddy at Mommy,” sabi niya sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD