Chapter-3

1035 Words
Malalim ang ngiti niya sa labi nang lumabas ng salon. Nakangiti niyang hinawakan ang bagong gupit na buhok. Ang dating mahaba at maganda niyang buhok ay pinaputulan na niya. Hanggang balikat na lang ang dati niyang mahabang buhok. Parte ng pagbabagong buhay niya ang pagpapaiksi ng buhok. Gumaan naman ang pakiramdam niya. Isa pa sa kinatutuwa niya sa bagong simulang gagawin niya ay wala na siya sa San Sebastian. Malayo na siya kay Gael, malayo na siya sa kanyang ama. Hindi na niya maririnig ang mga sermon ng ama. Isa pa, walang nakakaalam kung nasaan siya. Wala siyang cellphone, inihagis kasi niya ang bag sa lalaki kagabi. Maaga siyang bumiyahe papuntang San Rafael. Sa San Rafael kasi nakatira ang dati niyang yaya na si Yaya Flor. Matagal nang umalis sa kanila si Yaya Flor dahil nais na daw nitong makasama ang pamilya nito na sa San Rafael naninirahan. May kalayuan ang San Rafael sa San Sebastian. Ang huling balita niya kay Yaya Flor, namamasukan daw ito sa isang pinakamayaman sa San Rafael. Kaya naglakas-loob siyang magtungo dito dahil alam niyang madali niyang mahahanap si Yaya Flor. Malaki at maganda ang San Rafael. Probinsya ang dating nito, hindi tulad sa San Sebastian na puro nagtataasang building ang makikita niya. Sa San Rafael, halos bundok at mga puno ang madadaanan. May dagat din. Masasabi niyang maganda ang probinsya ng San Rafael. Sa pagtatanong niya kung sino ang pinaka-mayaman na pamilya sa bayan na ‘yon, napag-alaman niyang pamilya Sebastian ang sinasabing pinaka-mayaman sa San Rafael. Tinuro din ng napagtanungan niya kung saan niya makikita ang Hacienda Sebastian. Mula sa plaza, sumakay siya ng tricycle. Nag-enjoy naman siya sa unang beses na pagsakay niya ng tricycle. Pakiramdam niya, isa na siyang ganap na tao dahil ginagawa na niya ang ginagawa ng karamihan. “Dito na po, Miss,” sabi ng driver nang huminto ang tricycle. Pagbaba niya, agad niyang nakita ang malaking gate na may arkong “Hacienda Sebastian”. Napangiti siya. Ito na nga ang hinahanap niya. Nagbayad siya sa driver at agad na lumapit sa mataas na gate. Naisip niya bigla kung puwede kaya siyang pumasok sa loob. “Manong, puwede po ba dumaan dito?” tanong niya sa driver na papaalis pa lang. “Puwede, Miss. ‘Yon nga lang, malayo pa ang lalakarin mo bago ka makarating sa bahay,” sagot nito. Tumango siya. “Hacienda Sebastian,” bulong niya at tinulak pabukas ang malaking bakal na gate. Naglakad siya sa malawak na bakuran na halos mga naglalakihang mga puno ang nakapalibot sa buong paligid. Wala siyang idea sa mga hacienda, pero sa pagkakaalam niya, may asyenda din ang mga Saavedra, hindi nga lang niya alam kung saang lugar. Napapangiti siya sa maganda at malinis na paligid. Parang napakapayapa ng buong lugar. Parang ang sarap mag-isip at magmuni-muni. Parang kung dito siya titira ay wala siyang magiging problema pa. “Ang swerte naman ng mga nakatira sa ganitong lugar,” bulong niya. Sa paglalakad niya, may narinig siyang mga yabag na kung ano at nagtatawanang mga paparating. Mabilis siyang nagkubli sa mga malalaking puno. Baka kasi ang may-ari ang paparating at makita siya. Baka pag-isipan pang magnanakaw dahil bigla na lang siyang pumasok sa loob ng bakuran. May nakita siyang dalawang kabayong paparating at may sakay. Una niyang napansin ang lalaking nakasakay sa kulay brown na kabayo, pero hindi niya masyadong nakita ang mukha nito. Sumunod na napansin niya ang puting kabayo at ang babaeng sakay nito. Kumunot ang noo niya nang huminto ang mga ito malapit sa pinagtataguan niya. Siniksik niya ang sarili sa puno sa takot na makita siya ng mga ito. Bumababa ang mga ito sa dalawang kabayo. “I won the bet, sweetheart,” sabi ng lalaki at agad na lumakad palapit sa babae at kinawit ang mga kamay sa maliit na bewang ng babaeng naka-bralette lang. Kitang-kita ang hubog ng katawan nito at laki ng hinaharap nito. Seksi ito. “I let you win the bet, of course,” malambing na sagot ng babae at hinawakan ang mukha ng lalaki. Hindi niya makita ang mukha ng lalaki dahil nakatalikod ito sa kanya. Nakaharap naman sa kanya ang babae. Masasabi niyang maganda ang babae at may magandang pangangatawan. Alam din niyang may kaya ang babae, pansin niya sa branded na suot nitong leggings at bralette. Napangiwi siya nang maghalikan ang dalawa. Lalo naman niyang siniksik ang sarili sa puno. Nakakahiya naman kung makita siya ng mga ito. Pero hindi niya inalis ang mga mata sa dalawa. Napalunok siya habang nakatingin sa paghahalikan ng dalawa. Parehong magaling humalik ang mga ito. Sumunod naman ay napasinghap siya nang makitang bumaba ang kamay ng lalaki sa may pang-upo ng babae. Kitang-kita niyang nagustuhan ng babae ang ginagawa ng lalaki sa kanya. Ewan niya kung bakit tila nakaramdam siya ng inggit. Never pa kasi niyang na-experience ang ganyang bagay. Ganito siguro talaga pag may jowa ka, may makakahalikan ka at may hahaplos sa iyo kung saan. Wala pa kasi siyang naging nobyo, ni wala pa siyang first kiss. Kahit si Gael, hindi siya nito hinalikan. Baka nga hindi talaga siya gusto ni Gael. Halos lumuwa na ang mga mata niya kakanood sa dalawang tila walang balak tapusin ang pa-init nang pa-init na ginagawa ng mga ito. Kung wala lang sa labas ang dalawang ito, baka kung saan na umabot ang ginagawa ng mga ito. “My room,” narinig niyang bulong ng lalaki sa babae. “Sure,” kinikilig na sagot ng babae sa lalaki. Nang maghiwalay ang mga ito, humarap sa may dako niya ang lalaki at napakunot ang noo niya nang makita ang mukha nito. Naramdaman din niya ang pagtibok ng puso niya nang makita ang gwapong mukha ng lalaki. “Siya ba ‘yon?” tanong niya sa sarili habang nakasunod ng tingin sa lalaki. Napahawak siya sa dibdib na biglang naging abnormal ang t***k. Sumakay muli ang dalawa sa kabayo at mabilis na nagpatakbo ang mga ito. Lumabas siya mula sa pinagtataguan puno at sinundan ng tingin ang dalawang kabayong tumatakbo. “Siya ‘yon, hindi ako puwedeng magkamali. Siya ang lalaking pumigil sa akin sa building,” bulong niya. “Siya ang lalaking pumigil sa aking magpakamatay.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD