Mabilis n'yang pinaharurot palayo sa pabahay ang Jeep na sinasakyan, matapos makapausap si Manang Flor tungkol sa biglaang pag alis ni Julia ng mansyon kagabi. Wala namang ibang dapat sisihin kundi s'ya, dahil s'ya ang dahilan kung bakit mas pinili ni Julia na umalis na lang ito. Hindi kasi n'ya magawang aminin rito ang nararamdaman n'ya, hindi n'ya maamin na nagseselos s'ya sa lalaking nakausap nito sa cellphone n'ya at nag text pa rito ng sweet message. Hindi n'ya kayang aminin sa sarili na sa simula palang ay nabihag na s'ya ng angking ganda ni Julia, na unti-unting nahulog ang loob n'ya sa napakagandang dalaga, sa napaka inosente pero mapang akit na dalaga. "Bullshit! Bullshit!" Sunud-sunod na mura n'ya, habang halos paliparin na n'ya ang Jeep. Nagtungo s'ya kay Manang Flor para ala

