Kunot noong nakamata sa kanya si Lance, wari'y iniintindi ang sinasabi n'ya. "You heard me!" Patuloy n'ya sabay tulak sa didbib nito. "I don't need your f*cking money! I am Julia Santillan, from San Sebastian, my family owned 40% share in Saavedra Santillan Hospital. You can ask your brother in law Giovanni Saavedra who are the Santillan in San Sebastian. Para magising ka, na kailanman ay hindi ako nag hangad ng pera mo!" mahabang litanya n'ya rito. "Sabihin mo rin sa mga kaibigan mo na nagsasabing isa akong gold digger kaya ko silang tapatan ng pera lalo na ang Claire na 'yon!" Hiyaw n'ya. Alam n'yang nasulsulan si Lance ng mga kaibigan nito, kaya kung anu-ano ang iniisip nito sa kanya. Lalo na ang Claire na 'yon na kung itrato s'ya ay basura. May araw din na maipapamukha n'ya kay Cla

