(Humfrey's POV) Matapos naming makitang lahat kung paano umiyak si Duchess dahil napanaginipan niya ang kambal, everyone became silent. Kahit ang sinasabi niyang hindi niya ka-close na kaibigan ng pamilya niya at maging ang mga kamag-anak niya ay nag-alala para sa kanya. Ito rin ang unang beses na nakita ko siya na umiyak ng ganoon katindi. Unang beses na nakita ko siyang nasasaktan ng husto dahil sa mga taong mahal niya. Unang beses na nakita ko siyang ipinakita ang totoo niyang nararamdaman sa mga sandaling ‘yon. "Totoo bang kaibigan niyo rin sina Abi at Abs?" I ask Dwayne habang magkakasama kaming pito. "Not totally, nakilala lang namin sila dahil kay Duchess," Dwayne answered dahilan para agad din akong magtaka. "Akala ko ba magkakakilala talaga kayo?" "Hindi. Nakilala lang talaga n

