Chapter 1
(Aila's POV)
Natatanaw ko na ang pinakamalaking gate sa apat na gate ng deadly residences, and obviously that was the main gate of this land. Black gate iyon na may malaking arko sa taas na may nakalagay na deadly residences, at sa gate mismo ay may nakaukit ang malaking bungo na may magka-cross na katana at baril at may nakasulat na 'once you enter, death was the only way out'.
Pagkarating ko naman sa mismong gate ay binuksan na ito ng guard na nagbabantay kaya dali-dali ko ng ipinasok ang kotse ko. Pagpasok mo naman sa huling gate ay sasalubungin ka ng mapunong paligid at isang straight na two way lane na daan lang ang makikita mo, pero ang totoo sa loob ng kakayuhan na ito ay nakakubli ang tunay na anyo ng deadly residence.
Ang deadly residence ay parang isang exclusive subdivision na limited peoples lang ang nakatira. It is exclusively made only for us, na myembro ng Steinckert mafia. This is made to keep the bond kahit na mayroon ng sari-sariling pamilya ang lahat. Effective din naman ito dahil mas lalo nga nitong pinatibay ang ugnayan ng bawat isa.
Napangiti na lang din ako ng matanaw ko na ang ilang imprastraktura na ipinagawa para sa amin, tulad ng hospital, simbahan, gym, park, field at mga halls para sa events at kung ano-ano pa.
Kapag nakarating ka na rin sa parteng iyon ay straight lang ang unang daan pero kapag biglang lumiko sa kanan, bahay na nina tito Danielle at tita Claire ang makikita niyo doon. Tumigil lang ako sandali sa tapat ng bahay nila, sumilip din naman agad si tita Claire saka siya agad na ngumiti ng makita ako.
"Tita? Its Sunday today," agad kong paalala sa kanya saka ko siya kinawayan.
"Yes Aila, we’re coming. See you," agad na sagot sa akin ni Tita.
Kumaway na lang akong muli sa kanya saka ako agad na umalis doon. Sa totoo lang kung tatahakin mo ang daan dito, it will start from the straight road tapos magiging zigzag. Kapag naman naging zigzag na ang daan ibig sabihin ay mga bahay na ang makikita mo.
And speaking of, kung nasa kanang part ang bahay nila tita Claire kung magmumula sa kalsada, nasa kaliwa naman ang bahay nila tita Kath at tito Alexis. Hindi din kalayuan iyon sa bahay nina Tita Claire. Basta pagliko mo sa kanan ay bahay nila tita Claire at kapag lumiko ka na sa kaliwa ay matatanaw mo na ang bahay nila tita Kath.
"Tito? Tita? Sunday today," bati ko naman sa mag-asawang natanaw ko na nasa labas din ng bahay nila.
"We’re coming sweety," agad na sagot ni tita Kath.
Ngumiti na lang din ako sa kanya saka ako agad na umalis. Nakakatuwa talaga ang residence na ito, imagine ginawa lang ang subdivision na ito para hindi na magkalayo-layo pa ang bawat isa. Sabagay tamang-tama din naman ito tutal lagi rin namang magkakasama ang lahat na parang ayaw ng maghiwa-hiwalay.
"Aila! I’ll come with you," hiyaw ni Rya sa akin habang tumatakbo siya papalabas ng bahay nila ng tumigil ako sa harapan ng bahay nila.
She's tito Ethan and tita Rain's daughter if you still remember, iyong anak na kambal nina tito Ethan at tita Grace but tita Grace died and tito Ethan marry tita Rain. Basta iyon na ‘yon. Pft.
"Aila darling? Susunod na lang kami ha, pasensya ka na dyan sa anak kong yan," pahabol ni Tita na ikinatawa ko na lang din naman.
"Yes tita," agad kong sagot sa kanya.
"We’re going now Mom," pagpapaalam din ni Rya sa Mommy niya.
Naupo din naman siya agad sa tabi ko saka kami agad na umalis.
"Oh my gee, sunday again!" tuwang-tuwa at excited na excited na sabi ni Rya.
Natawa na lang din naman ako sa kanya dahil doon. Hindi talaga siya nagbabago simula pagkabata hanggang ngayun ay hyper pa rin siyang palagi.
"Fancy? Yuhoo! Sunday today," hiyaw ni Rya pagtigil namin sa bahay nila tita Tiffany at tito Roy.
Humahangos din namang lumabas ng bahay ang tinawag ni Rya na ikinatawa ko lang din.
"I know right! We'll follow na lang," hiyaw din ni Fancy paglabas niya na ikinangiti ko lang ding muli.
"I'm excited! See yeah later," pahabol pa ni Rya sa kanya.
Natawa na lang muli ako saka ako kumaway kay Fancy saka kami agad na umalis doon, parang dati ay kami lang nila Mac, Rya at Rage ang bata pero ngayon ay ang dami na namin. Ang saya lang. Ipinagpatuloy ko na lang din ang pagmamaneho at mula dito ay natatanaw ko narin ang bahay ni tito Shonen at tita Paris, bumusina na lang din ako kaagad pagtigil ko sa bahay nila tapos mayamaya ay lumabas na si tito Shonen.
"Aila? Rya?" agad na bati niya sa amin.
"Tito? Sunday today," paalala ko din sa kanya.
"Nagluluto lang kami ha? Tapos susunod na kami, tell that to your mom and dad," agad na sagot sa akin ni Tito.
"Yes tito," agad ko ding sagot sa kanya.
Bumusina na lang din akong muli saka kami umalis doon. Sunday is family day, batas na yun ng deadly residence and this was my favorite part every weekend. This time ay sa bahay naman gaganapin ang family day. Nagto-toka kasi ng bahay na paggaganapan ng pagtitipon na ganito lagi, and this time ay kami ang nakatoka.
"Oh my, nakikita ko na ang future house and family ko! Oh my gee, Aila!" tili ni Rya kaya natawa na naman ako.
Napapailing na lang din ako sa inasal niya, natatanaw ko narin kasi ang bahay nila tito Sebastian at tita Selene, yun ang bahay na tinutukoy niya. Pumarada na lang din ako sa tapat ng bahay nila sabay busina pero si Mac ang lumabas.
"Oh my gee, why so pogi talaga?" kinikilig-kilig pang bulong ni Rya sa akin.
Kumaway din agad siya kay Mac kaya hindi na ako kumaway. Hindi naman siya obvious na obvious ano?
"Mom? Aila is here, and uh-Rya," Mac then yelled talking to her mom.
"Baby pupunta tayo!" hiyaw din ni tita Selene.
"You heard that?" Mac then said na ikinatawa ko na lang.
Kinawayan ko na lang din siya bilang pagpapaalam, nginisian lang din naman niya kami saka kami agad na umalis dahil mukang mamamatay na sa kilig itong kasama ko. Sumama lang yata talaga ang babaeng ito sa akin para sumilay.
"He loves me na talaga, I can feel it na talaga, Aila!" tili ni Rya na katabi ko.
Natawa lang naman lalo ako dahil doon, ewan ko sa kanya palagi naman niyang sinasabi ‘yon. Hindi ko na siya pinansin at nag-focus na lang din ako sa pagmamaneho, and our next stop ay ang bahay ng mga Bouvier. Nahulaan niyo na naman siguro na si tito Axel at tita Unix ang nagkatuluyan ano? Bumusina na lang kami sa tapat ng bahay nila at hindi na kami tumigil, para mapabilis na rin kami, dahil nag-text narin si mom sa akin. Mayamaya ay bumusina na lang din akong muli ng mapadaan na kami sa bahay nina tito Dice at tita Oxy. Mula rin dito ay naaamoy ko na ang mabangong niluluto nila at sigurado akong masarap na naman iyon.
"Oh my! I'm on a diet!" agad na reklamo ni Rya.
Marahil ay dahil naamoy niya rin ang niluluto nina tita Oxy. Bumusina na lang din naman kami sa bahay nina tita Rox at tito Rubix ng mapadaan din kami doon. Tapos kasunod na noon and bahay ni tito Vin at tita Erin, kasunod ang bahay nina tito Chase at tita Gail. Susunod naman doon ang bahay nina tita Nerix at tito Vanes, tapos bahay nina tita Sam at tito Xian, then tito Lei and tita Shinix's house. After that ay bahay naman nina tita Dane at tito Kei.
Hindi naman nagtagal ay tumuwid na ang daan, indikasyon na malapit na ako sa bahay namin. Lahat ng mga dinaanan kong bahay ay nakaharap sa parteng ito ng residence. Lahat ng bahay nila ay naka slant at dito naka-harap kaya sinadyang pa-zigzag ang daan at the same time sinadyang itago sa mga puno ang bahay. Sa dulo naman nito ay matatanaw ang bahay namin sa kanan, sa kaliwa ang bahay nina tita Shin at tito Gray at sa gitna ang may pinaka-malaking bahay sa lahat. Alam niyo na kung kaninong bahay yan.
"Mom? I'm with Rya" bungad ko kay mom pagpasok na pagpasok ko sa bahay.
I hug Mom and Dad at niyakap lang din naman nila ako. Nandito na si tito pogi at tita ganda. Niyakap ko na lang din sila, and Rya do the same. Sina Hanz Grey at Ash Naze na mga anak nila ay nandito na rin. Sila ang mga anak ng mag-asawang Grimsford panganay nila si Hanz at si Ash ang pangalawa, and obviously babae si Ash at lalaki naman si Hanz. Niyakap din nila ako ng makita nila ako saktong-saktong labas naman ni Aero na maraming dala, he smile at me sabay yakap sa akin. Siya naman ang bunso kong kapatid.
"Nasaan na sila?" agad niyang tanong sa akin.
"Susunod na sila Aero," tanging sagot ko sa kanya.
"Nasaan si Rage?" Aero ask Rya.
Marahil ay nagtataka rin siya na wala pa ang lalaking yun pero nandito na ang kapatid niya.
"Aero? You know naman na my brother is mas maarte pa sa akin hindi ba? He'll come with our parents na lang daw," agad na sagot ni Rya sa kanya.
Natawa lang din naman kami kay Rya matapos niyang sabihin iyon. Sandali lang din kaming nagusap-usap saka namin tinulungan sila Mom at sila Tita dahil alam namin na mayamaya ay dadating na sila. Kung nandito sana sila Lolo at Lola ay mas masaya. Tsk! Ano ka ba Aila? Magda-drama ka na naman ba?
"Nandito na kami, anong maitutulong namin?" tita Claire ask.
Sabay-sabay naman silang dumating nina tita Kath, tito Danielle at tito Alexis. Sinalubong din naman agad namin sila. Kasama narin nila ang mga anak nila na sina Dalle at Lace, Dalle is the eldest daughter of tito Danielle and tita Claire si Lace naman ang bunso nilang lalaki. While, Six and Kat was tito Alexis’s and tita Kath's son and daughter, panganay nila si Six at bunso si Kat. Sinalubong din sila nila Aero at Rya bago sila tuluyang pumasok. Halos lahat naman sila tito at tita ay dalawa lang ang anak tapos girl at boy din naman madalas.
"Six? Lace? Hanz? Dito na tayo," agad na yaya ni Aero sa mga lalaking pumasok.
Nako pe-pwesto na naman sila.
"We’re not magpapatalo sa inyo, Kat? Dalle? Ash, come here na," pag-aya rin ni Rya sa tatlong babae na nandito na.
Hinayaan na lang din naman namin sila na magkanya-kanyang pwesto na habang sina Tito at Tita ay sumama din kila tita ganda at tito pogi. Mayamaya lang din naman ay sunod-sunod na silang dadating kaya nanatili na lang din ako sa pinto.
"Rage? Elijah? Dito tayo,” mayamaya ay hiyaw ni Aero pagpasok nung magkapatid.
Elijah is tito Ethan and tita Rain's youngest son. Lumapit narin naman agad sila doon kina Aero ng tawagin sila ng kapatid ko habang ang mga parents nila ay dumiretso na lang din kila tita ganda. Mayamaya lang din naman ay pumasok narin si tita Tiffany at tito Roy kasama si Fancy at Timothy. Binati ko na lang din sila saka ko sila hinayaang dumiretso sa kanya-kanyang gustong samahan. Si Fancy naman na babae ang panganay kay Timothy na obviously ay lalaki.
Mayamaya ay nandito narin sina tito Shonen at tita Paris, kasama naman nila sina Shen at France. Kung si Fancy ang panganay kay Timothy ganun din naman si Shen at France, Shen was France's eldest sister and France is also a boy. Hindi rin naman nagtagal ay dumating na ang pinakahihintay ni Rya. Pumasok na kasi sina tita Selene at tito Basty, kasama si Mac Sabrienne at Mace Sabrinne. Babae ang bunso nila and that's Mace at si Mac na lalaki ang panganay nila. Agad din namang nag-roll eyes si Mace kay Rya and Rya did the same na lalo kong ikinatawa, talagang magkagalit ang dalawang ito mula noon hanggang ngayon.
"Kuya Mac 'yong impakta mong mangliligaw nandito na naman, geez," pagtataray ni Mace.
"Mace? Doon ka na nga," inis na sagot sa kanya ni Mac.
Lumapit na rin agad si Mac kila Aero at si Mace naman ay lumapit na doon kila Rya, she sat down beside Ash at syempre nagbangayan na naman yung dalawa dahil hindi na yun nawawala sa kanila.
"Late na ba kami?"
Bungad nila tita Unix at tito Axel pagpasok nila kaya ngumiti na lang ako sa kanila saka ko din sila niyakap. Kasama narin nila sina Axe Caleb ang panganay nilang anak na lalaki saka si Eunice Nexis ang bunso naman nilang babae. Gaya naman ng iba ay dumiretso na lang din sila sa kanya-kanyang grupo.
Napangiti na lang din ako ng bigla akong yakapin ni Sweety Yna, bunsong anak na babae naman siya nina tito Dice at tita Oxy. Si Spicer Dace naman na anak nilang lalaki na siyang panganay nila ay ngumisi lang sa akin. Ngumiti na lang din ako sa kanila saka ko sila pinanood na pumunta sa kani-kanilang grupo saktong pasok din naman nina tito Rubix at tita Rox. Kasama narin nila ang mga anak nila na sina Linux Spade ang panganay nilang lalaki at si Rixie Apple ang bunso nilang babae.
"Nandito na ang ubod ng gwapo."
Nakupo ayan na nga sila. Natawa na lang din ako kay tito Vin sa ibinungad niya sa amin. Niyakap lang ako ni Tito at Tita saka sila naunang pumasok sa mga anak nila. Tinapik lang din naman ako ni Eros Von, ang panganay nilang anak na lalaki na sobrang nagmana kay tita Erin. Nginitian ko na lang din naman siya at niyakap ko na lang din si Eris Ven ng yakapin niya ako, siya naman ang nagmana kay tito Vin. Hindi pa man nakakaalis sina Eris ay sakto namang dating ng mga Smith. Natawa lang din naman sila katulad ko bago sila tuluyang naupo at ako na ang sumalubong sa kanila.
"Pinaguusapan niyo na naman ang kagwapuhan ko habang wala ako a, Narinig ko kayo, bawal ang backstabber dito," agad na banat ni tito Chase.
"Manahimik ka nga," agad namang sita sa kanya ni tita Gail.
"Nandito na rin ang pinaka-dyosa," Gill also said na ikinatawa ko lalo.
Nandito na nga sila, ramdam na ramdam ko na. Nakipag-beso siya sa akin, kaya natawa na lang ako lalo. Obviously, Gill Chanel was just like her dad, and Chain Aeron which is the eldest son ay nagmana naman kay tita Gail. Formal lang siyang palagi at siya yung tipong nerdy, while Gill was so very like tito Chase at ayoko na lang talagang magsalita. Pft.
Napalingon naman akong muli ng may biglang pumasok. Ang pamilyang libro ito na, si Vanrix Rein naman ang unang pumasok sa kanila sabay ngisi sa akin. He was the eldest son of tita Nerix and tito Vanes, mayamaya lang din naman ay pumasok narin si Seiden Vien siya naman ang bunso nilang babae, yumakap din naman agad siya sa akin saka siya lumapit kila Rya.
Hindi naman nagtagal ay dumating narin sina tita Shinix at tito Lei, nauna na yung mag-asawa at huling pumasok ang dalawa nilang anak. Arcie Lee is their eldest daughter and Nix Kiervin is their youngest son.
Nandito na rin ang mag-asawang Kei at Dane na pumasok kasunod nina Tita Shinix. Sina Dan Alex na panganay na lalaki at Keen Rei na bunsong babae naman ang naunang pumasok kaysa sa parents nila. Dan was just like his mom, model siya and Keen was just like his dad, kung sino pang babae siya pa talaga ang nagmana sa tatay niya.
Hindi naman nagtagal ay pumasok na sina tita Sam at tito Xian kasama din yung dalawang anak nila, sila naman pinatunayan ang like mother like daughter at like father like son. Nagmana si Samara kay tita Sam at si Xikei ay nagmana sa Daddy niya. And take note, kambal din sila, pero panganay pa rin si Samara kay Xikei.
"Shin? Where's ouji?" dinig kong tanong ni Dad kay tita ganda kaya napaisip din ako.
Oo nga nasaan na kaya sina tito Ouji?
"We’re here," mayamaya ay sabi ni Tito Ouji.
Habang papasok na sila. Niyakap ko na lang din siya kaagad saka ako napangiti. Wala pa kaya si tita Xion at si Duchess? Sila na naman kasi ang magkakasama. Napangiti na lang muli ako ng lumapit din sa akin sina Duke Jaicexien at Duce Rionkein. Niyakap ko na lang din sila at yumakap lang din sila sa akin, kapag nakikita ko talaga sila ay bumabalik muli sa akin ang lahat ng pinagdaanan ni tito at tita bago sila tuluyang ikasal.
Puro sila away noon, tapos nawala sila Lolo at Lola and after that tita Xion left, iniwan niya kaming lahat sa hindi namin malamang dahilan. Yun pala ay nag-active ang sakit niya kaya siya umalis at iniwan si tito. Saka lang namin nalaman na kaya niya laging inaaway si Tito ay dahil itinatago niya ‘yon sa kanya, pero sa bandang huli ay nanaig pa rin ang pagmamahalan nila and there they are, biniyayaan sila ng tatlong anak.
Sa kanila ay si Duke ang panganay and obviously lalaki siya. Lahat ng katahimikan sa mundo ay diyan na yata napunta. Kasunod naman niya si Duce, lalaki rin siya at diyan naman napunta ang lahat ng kakulitan ng tatay at nanay nila. Si Duchess Acexie Jion naman ang bunso at nagiisa nilang babae kaso wala sila dito ni tita Xion, nasa Japan sila dahil doon namamalagi ang batang yun.
“Ouji? Kaylan ba talaga uuwi ang mag-ina mo?" dinig kong bungad na tanong ni Mom kay tito Ouji.
"Aba ma? Naglilihi ka na naman?" reklamo ko agad sa kanya and they all laugh at me.
Ganyang-ganyan kasi siya nung naglilihi kay Aero e, wala siyang bukang bibig noon kung hindi si tita Xion.
"Malapit na, inaasikaso lang nila ang papers ni Duchess dito na kasi siya mag-aaral sa pasukan," simpleng sagot naman sa kanya ni Tito Ouji sa kanya.
"Talaga tito?" sabay-sabay naman naming tanong na ikinatawa lang din namin.
Sa amin kasing lahat, si Duchess ang pinakabata pero siya ‘yong pinaka-malayo palagi sa amin at siya ‘yong pinaka hindi namin ka-close. Unlike kay tita Xion noon nung batch nila, siya ang pinaka-bata pero siya ang pinaka-bet at ang pinakaka-close ng lahat.
Bata pa lang din kasi si Duchess ay dinala na siya sa Japan, bata pa lang kasi ay kitang-kita na sa kanya na hindi siya katulad ng parents at mga kapatid niya. Siya ang pinaka-kakaiba sa amin. Pero ka-close niya naman ang daddy niya at ang mga kapatid niya sa amin lang naman ayaw ng batang iyon.
"Tama lang din naman siguro na dito na mag-aral yang batang yan ng makasama naman natin siya," tita Gail then said.
Tama din si tita doon, para narin siguro masanay na siya na kasama kami. Ultimo kasi kaming kamag-anak niya ay nilalayuan niya. Halos lahat pa naman sila ay paborito si Duchess, lahat kasi sila ay ninong at ninang ni Duchess. Usapan na kasi nila yun noon pa man na kapag nagkaanak ng babae si tita Xion ay ninong at ninang silang lahat.
"Anyway tito, sa Elites Academy mo ba ipapasok si Duchess?" I ask, para makapaghanda narin ako ng slot para sa kaniya.
"Mukang ayaw niya don ate Aila e," sabad naman ni Duce sa usapan.
"Why? She's safe there, tayo din naman ang kasama niya," nagtataka kong tanong sa kanya.
"Alam mo naman yun ate, pero hindi ko pa naman sure," muling sagot ni Duce sa akin.
Nakakapagtaka talaga ang batang yun. Talagang parang ayaw na ayaw niya kaming makasama palagi, bakit nga kaya?