Chapter 2

3273 Words
(Aila’s POV)         "Speaking of my wife,” singit ni tito Ouji dahilan para matigilan din kami.   Nilapag naman agad niya ang phone niya sa table kaya lahat kami ay sumiksik sa kanila makita lang namin si tita Xion at Duchess. Mayamaya ng sumulpot si Tita ay agad din siyang natawa marahil ay dahil sa hitsura namin, yung iba kasi sa amin ay naupo na sa lapag habang yung iba ay nasa likod nina tito.   "Anong drama niyo?" tumatawang tanong ni tita Xion sa amin.   "I love you too, kaylan daw ba kayo uuwi? I miss you wife, where's my baby?" tanging sagot ni tito Ouji kay tita Xion.   Natawa na lang din naman kami sa kanya, wala talagang pagbabago si tito Ouji.   "She’s upstairs. Wait, Honey? Come here sweety, your Dad wants to talk to you," tita Xion yelled na sakto lang din naman siguro para marinig sa taas nila.   "Ayaw umuwi ni Duchess, Ouji. She don't want to attend the Elites academy at ayaw niya ring iwan sina Abigail at Abraham," medyo dismayado at nag-aalalang sabi ni tita Xion.   Bakas na bakas iyon sa muka niya habang nakamasid siya sa hagdan. Bakit hindi kaya subukan ni tito Ouji na kausapin siya, baka naman makumbinsi niya rin si Duchess.   "Mom?" mayamaya ay tawag ng malambing na tinig kay Tita Xion.   Agad din siyang rumehistro sa camera ng maupo siya sa tabi ng Mommy niya. She's also wearing the usual long sleeves na medyo luwag sa kanya na palagi niyang soot, na pinapatungan niya rin ng tshirt na malaki. Nakalugay lang din ang kulot niyang buhok, naka-eye glasses siya, naka-pants and converse. Katulad na katulad ni tita Xion noong una ko siyang makita, ang pinagkaiba lang ay ang damit saka wala siyang disguise, pero ganyan din naman ang usual attire ni Tita noon. Nagmana talaga siya sa mommy niya sa ganyang way, may ugali rin siyang namana sa tatay niya, pero mas malaki yung ugaling malayo sa kanila.   "Baby? Why don't you want to go home?" malambing na tanong ni tito Ouji sa anak niya.   Napatingin lang naman si Duchess sa Mommy niya and Tita just nod at her.   "Dad? I'm okay here, let me stay please dad," agad na sagot ni Duchess sa kanya.    Mahinahon, mahina at malambing ang tinig niya. Hindi siya marunong magalit, mainis at ngumiti. Seryoso lagi sa buhay yan pero napakatalino niya. Imagine yourself talking to that kind, hindi ba mapapa-oo ka na lang palagi kapag may hinihiling siya.   "Gusto ka na naming makasama dito bunso," sabad naman ni Duke sa usapan.   Ganyan naman palagi si Duke, magsasalita lang yan kapag nanay niya, tatay niya o kaya ang mga kapatid niya ang nasa usapan. Pero madalas ay tatanungin mo pa yan kung gusto mo siyang magsalita.   "Hinihintay na kita dito baby, wala akong kaaway," sabad din ni Duce na talagang ubod ng kulit.   "I appreciate it a lot bro,” tanging sagot ni Duchess sa kanya.   "Umuwi ka na Duchess anak, gusto na kitang makasama," muling sabi ni Tito sa kanya.   "Mom?" agad na tawag ni Duchess sa Mommy niya.   She’s like asking for help saka siya agad na yumakap kay Tita, ayaw niya ng ganitong klaseng usapan alam na alam na namin yun.   "Kumain ka na lang muna anak, sige na," Tita said to her.   Tita kiss her forehead bago siya nito hinayaang tumayo at umalis, Tita then sigh saka siya muling tumingin sa amin.   "See? Manang-mana sayo ang anak mo damuho ka!" singhal ni tita Xion kay tito Ouji na ikinatawa lang din naming lahat.   Si tita Xion talaga palaging nakakatakot.   "Hindi mo na ba siya mapapakiusapan? Tell her kahit isama niya na lang sina Abigail dito sa pilipinas, o kahit hanapan natin siya ng ibang school dito kung ayaw niya sa Elites. Basta umuwi lang siya. Love? Hindi pwedeng palaging malayo sa atin yang anak mo, saka lumalaki na yan. Hindi pwedeng lagi siyang nasusunod, miss na miss ko na kamo siya," tito Ouji said again.   "I’ll talk to her after this, kausapin mo na lang din siya ng masinsinan mamaya. Huwag ka ding marupok sa anak mo ha? Ikaw din naman ang hindi makatiis doon e,” tita Xion said na muli naming ikinatawa, “Anyway, so what now? Ano ng nangyayari?" Natawa na lang din si tito Ouji sa asawa niya sasagot na sana siya kaya lang ay may bigla ding nagsalita.   "Tita Xion, where's Jion?" dinig naming tanong ng kung sino sa background.   "On the kitchen, go and eat with her," tanging sagot ni Tita sa kausap niya.   "Who's that?" mayamaya ay tanong naman ni tito Ouji.   "Abigail," agad na sagot ni Tita.   "Magsimula na rin kaya tayong kumain?" Mom then said.   Nagsimula na lang din kaming magsaya while tita Xion is watching us. Hinayaan na lang din naman muna nila si Duchess. If im not mistaken, Abigail was tita Abby's daughter saka si Abraham, kambal yung dalawa sa pagkakaalala ko. Naaalala niyo pa ba siya? Yung gangster? Nakapangasawa siya ng assassin na tauhan din ni tita Xion kaya ayun nasa Japan sila.   "Bakit kaya ayaw umuwi ni duchess?" Rya ask us out of nowhere.   Gaga talaga ang isang ito, gusto niya daw na maka-close si Duchess para maligawan niya si Duke o kaya si Duce. Langya, goodluck na lang talaga sa kanya, ang ilap-ilap pa naman ng batang yun.   "Natatakot yun sa muka mo," agad namang sagot sa kanya ni Mace.   "Mace? Dyosa kaya ako, baka naman sayo siya natatakot?" agad na sagot ni Rya sa kanya na hindi din magpapatalo.   "Duh! Who say's that? Its a lie," agad na sagot ni Mace.   Napailing na lang din naman ako sa kanila, ayan na naman po sila. Hindi ko na lang sila pinansin at nanatili na lang din akong nakaupo, kahit ngayon kasi ay napapaisip pa rin ako kung bakit nga kaya ayaw umuwi ni Duchess. Ano nga kayang dahilan?     ----------------------------------     "Mom? Dad? I'm going!" pagpapaalam ko kina mom para makaalis na ako.   "Ate? I'm coming with you," agad namang habol ni Aero sa akin.   Humalik agad ako sa pisngi nina Mom at Dad at ganoon din si Aero, malapit na kasi ang pasukan, kaya palagi akong nasa academy. Ako na kasi ang namamahala dito ngayun. While tita Shin, tito Gray, Dad and Aero focus on the company. Si Mom naman kasi ay nananatili sa hospital bilang nurse. Ako ito ang hawak ko, dean ako ng school at the same time ay doctor. Habang walang pasok ay half day ako sa school tapos sa hapon nasa hospital ako. I own a hospital now at kasama ko doon si Mom. Hanggang ngayon ay kinikilig nga ako kapag naaalala ko ang love story nila Mom and Dad. Iyong hospital kasi na pinagta-trabahuhan ni Mom noon ay hospital ng mga Steinckert, doon niya unang nakita si Dad same as Dad to mom. Tapos ayon na-love at first sight daw si Dad kay Mom noon. Hindi naman daw ganon kayaman si Mom, kaya noong niligawan siya ni Dad ay umayaw daw siya. Ayaw niya daw kasing mag-isip ng hindi maganda ang mga tao, kaso si Dad ay hindi sumuko sa kanya. Kinukulit niya si Mom palagi noon at pabalik-balik siya sa hospital, tapos ayon nabuo ako. Ngayon naman ay magkasama na kami ni Mom sa iisang hospital at doon kami nagtatrabaho ngayon.   Hindi naman nagtagal ay natanaw ko na ang malaking gate ng Academy, dito rin ako nag-aral noon. Kami nila Rya, Rage at Mac ang magkakasabay noon tapos sumunod na iyong iba sa amin. Ngayon naman ay part-timer na dito sina Rya, Rage, Six, Dalle, Mac, Aero at Duke. Nagtuturo sila sa mga royal sections dito pero may kanya-kanya din naman silang trabaho kaya part-timer lang sila dito.   Pagpasok namin sa malaking gate ay dumaan din kami sa malaking scanner, ito ang magsisilbi mong access dito sa school. And at the same time the scanner was made para malaman kung may record ka na ba dito, kung taga dito ka ba, o kung allowed ka bang pumasok at kung may dala kang delikadong bagay. Kasi alam niyo naman, no killing policy at no weapons allowed dito.   "Nandito na daw sila ate," Aero suddenly said.   Bumaba na kami ni Aero sa sasakyan ko pagka-park ko ng kotse. Agad din kaming lumakad para puntahan na ang mga kasama namin. Mayroon kasi kaming meeting tungkol sa nalalapit na school opening. Dumiretso na lang din kami sa office ko at saktong-sakto naman na nandoon narin silang lahat.   "Nandito na rin pala ang buong SSC," bungad ko sa kanila pagpasok namin.   Naupo na lang din kami ni Aero para masimulan na ang meeting. Dito tinatawag na dark elites ang buong SSC. Sila ang namumuno sa lahat ng mga estudyante dito, sila rin ang namumuno sa mga organizations at clubs sa school na to at sa dark royals naman kinuha ang mga courses presidents.   "So? Just like the usual one thousand students pa rin ang tatanggapin natin this school year. Boys or girls at counted na doon ang mga dati na, so kung ilan lang ang slot na natitira ‘yon na lang ang pupunuan natin. Sa ngayon five hundred na ang students na dati na at 500 slots naman ang available para sa mga baguhan, depende pa iyon kung tatagal sila sa mga initiation natin," panimula ko sa meeting namin.   "Napili ko na lahat ng mga estudyanteng nakapasa sa unang stage ng registration, here it is. Hinihintay ko na lang din ang signal mo para sabihan ang mga nakapasok na ito about sa second stage ng registration," Rya said also.   "Do it Rya,” agad kong sagot sa kanya, “And since we don't have any issues on the facilities and on the rules we have anymore, kayang kaya na nating tumanggap ng mga estudyante ng walang aberya. But anyway, wala ba kayong ibang suggestion? SSC?" muli kong sabi sa kanila. "I think we should do something to easily distinguished which is the newbie and not. Medyo matagal na kasing issue ang bagay na yon at kahit kami minsan ay nahihirapan din sa kanila," Ash then said.   "Okay, since may color coding naman tayo sa ID lace ng bawat estudyante, siguro yung vest na lang ng uniform nila ang ibahin natin. Hassle naman kasi kapag buong uniform pa ang papalitan. Sa susunod na taon naman kasi kapag tatagal sila, iyong original vest na ang isusuot nila hindi ba?" I suggested.   "Pwede nga ang bagay na ‘yon," Ash also said.    Ang color coding kasi ng ID dito ay depende sa year level. Tapos naka-print naman doon ang course kaya alam din namin ang courses nila. Iisa lang din kasi ang style ng uniform dito, maliban na lang sa uniform ng buong SSC at ng mga nasa royal sections. Dito ay may mga badges din ang bawat estudyante kung saang clubs or organizations sila nabibilang just to easily identify them.   "Wait? How about Duchess? Mauubusan na siya ng slot kapag hindi agad siya nakapag-enrol, iyon ay kung papasok talaga siya dito," Aero suddenly ask.   "Madali ng gawan ng paraan ‘yon Aero. Saka I don't think Duchess will enter this school," I answered at natahimik lang din naman silang lahat sa sinabi ko, "Rya? Inform the newbies para sa next stage ng registration okay? Dalle the vest, can you do it?"   "Okay, I’ll start now," Rya answered.   "Of course, Aila," sagot din ni Dalle sa akin.   "Yung iba ihanda niyo na ang mga dapat ihanda, gawin niyo na ulit ang mga trabaho niyo, kumilos na tayo," I said again.   Nagsipag-tayuan naman na sila dahil sa sinabi ko. Lumakad din sila kaagad at naiwan naman kami ni Rya dito sa office ko. Rya serves as our guidance councilor for now. Bakit siya? maldita kasi siya kaya huwag na kayong magtaka. Si Dalle naman ang nagsisilbing record keeper namin at yung iba ay may kanya-kanya ding trabaho.   Minsan ay sila na rin ang nagsisilbing special subjects teachers para sa mga royal sections, tulad ng gun lessons which are for Rage, sword, and any weapons is for Six, all about bombs is for Mac, Racing is for Duke and physical training is for Aero.   Once a week na lang merong ganyang subject ang mga estudyante dito unlike dati na everyday ay meron sila noon. Halimbawa ngayong week ay racing lesson ang meron sila, next week naman ay guns lessons. Ganun na tumatakbo ang lahat ngayon dito at ganoon din ang patakaran kahit pa sa mga special sections. At always din naman naming isinasama ang racing sa mga lessons na yan.   Unlike dati wala ng Elites A section, natapos ang tanyag na section na iyon after ng war. That is to also protect the ground na hanggang ngayon ay nananatiling matatag. Mas nag-improve narin ang elites ground sa ngayon, nananatili iyon pero, mas pinahigpit doon sa baba. Royal sections na lang din ang meron ngayon na kapalit ng Elites A section pero hindi sila nakakapasok sa ground unlike sa Elites A.   Sa laki ng trahedyang nangyari 20 years ago, maraming nagbago sa Academy at lalong maraming nagbago sa ngayon. Kung noon mahigpit ang pagpapapasok dito mas lalo namang mas mahigpit ngayon. Sa ngayon kasi, kung gusto mong makapasok dito ay magre-register ka muna sa website ng school, hahanapin mo iyon at doon ka magpapa-reserve ng slot, pero hindi din kasi basta bastang makikita ang website na iyon.   Pagkatapos mo namang mag-register ay dadaan yun sa reviews para malaman kung sino ka talaga, after that magkakaroon ng online examination. Tita Rox made that site and the online examination program kaya kapag may paloko-loko ay yari talaga sila.   After noon ay pipiliin na ang mga papasok sa available slots base sa score, mayroon ding rangking sa kanila. Then after that ay dadaan sila sa screening, dadaan silang lahat sa masusing pagsisiyasat, mayroon ding medical test, interviews at exams ang bawat estudyante.   Matapos noon ay muling pipiliin ang mga nakapasa, ang makakapasa doon ang pupunta sa susunod na stage which is initiation, that was the hardest part. kung sinong pumasa sa initiation na iyon ay pasok, saka lang ulit kukuha ng ibang batch para punan ang kulang pang slot.   Marami naring organizations at clubs dito hindi gaya noon na limited lang, para narin sa mga babae at lalaki ang mga clubs dito. Mahigpit din ang security namin dito at pamamahala, maganda din ang kalidad ng pagtuturo at mas pinahigpit ang pagsasanay sa mga estudyante.   Kung mayroon mang hindi mawawala dito iyon na marahil ang Magics at Elites kung saan nanggaling sila tito Ouji. Pero kahit hati sila, walang gulong nangyayari tulad noon. Si tita Xion, tita Shin and tito Gray ang umayos ng lahat ng ito kaya ganito kaganda ang takbo ng academy.   "Aila? I scheduled the next stage tomorrow," mayamaya ay sabi ni Rya na nakapukaw din ng atensyon ko.   "Okay," tanging sagot ko sa kanya.   Maswerte na lang din ako na hindi tulad ng termino ni tita Shin ang termino ko, hindi ako sinusubok ngayon na tulad ng pagsubok na naranasan niya. Siguro nga ay dahil talagang natuldukan na noon pa man ang malaking problema ng Academy.   Pinilit ko ng iwaglit sa isipan ko ang mga iniisip ko at nagsimula narin akong magtrabaho. This will be great, I am very sure to that.           (Ash's POV)           The elders was on the mansion already, kami na lang din ang hinihintay nila para magsimula na ang pagpupulong. Sa ngayon the Steinckert's mansion serves as our hideout after so many years. Dito kaming lahat nagtitipon-tipon kapag tungkol sa organization ang pinaguusapan namin.   Dito ang mga elders ang nagsisilbi naming mga guro para hasain kami sa pagpapatakbo ng organization. Sa ngayon ay nahahati rin kami sa ibat-ibang grupo kahit na nasa iisang organization lang kami. That is to easily distinguished us and our worth in this organization.   Sa ngayon Duke is the head of the Mafia Elites, and ate Aila is the head of the Knights. Inilagay rin kami ng mga elders sa lugar kung saan kami nararapat at sila rin ang nagpapagalaw sa amin sa ngayon habang hindi pa tuluyang naisasalin ang organization sa amin.   The Knights which is the reapers of this organization na pinamumunuan ni Ate Aila ay kinabibilangan din namin nina, kuya Aero, Lace, Dalle, Six, Kat, Mace, Mac, and my brother Hanz.   The Mafia Elites na may mas mataas na posisyon sa amin ngayon na pinamumunuan ni Duke ay kinabibilangan naman nina Duce, Samara, Xikei, Dan, Keen, Arcie, Nix, Vanrix, Seiden, Gill, Chain, Eros, Eris, Linux, Rixie, Yna, Dace, Eunice, and Axe.   Every Saturday ang meeting namin at palagi kaming ganito kapag dumadating ang araw na iyon, pero hindi ko din alam kung bakit may meeting ngayon kahit hindi naman Sabado. Pero ano't ano pa man yan ay hihintayin na lang namin na sabihan nila kami.   "Hey," pabulong na bati ni Samara ng dumaan sila sa harap namin.   Ngumiti lang ako sa kanya at hindi na ako nagsalita pa, may sarili din ba silang meeting? Pumasok narin naman sila sa conference room na para lang sa kanila kaya hindi na ako nagabalang magtanong pa.   Dito kasi ay may ibat-ibang conference room na inilaan para sa bawat grupo. At kung may Elites at Knights ang Mafia organization, may Deadly assassins naman ang Assassination org. Nag-merge na kasi noon pa man ang Steinckerts Assassin org at ang Assassins Empire ni tita Xion, and they are holding every 4 branches at parte na rin iyon ng mafia.   Ang Deadly assassins main branch na nasa Japan ay pinamumunuan na ngayon ni Shen, at ang ikatlong branch ay pinamumunuan naman ng kapatid niyang si France at ang magulang din nila na sina tito Shonen at tita Paris ang nagsisilbi nilang gabay doon. Ang second branch naman ng Deadly assassins na naririto sa pilipinas ay hinahawakan naman nina Rage, Rya at Elijah, ang mga magulang din nila ang gabay nila doon. Ang ika-apat na branch naman which is located sa France ay pinamumunuan ngayon nina Fancy at Timothy at ang mga magulang din nila ang gabay nila doon.   Ngunit hindi pa doon natatapos ang lahat ng grupo dito sa loob. Meron din kaming tinatawag na Black organization dito, at sila ang namumuno ng mga branches na meron ang Gangster Empire ni tita Xion. Hindi lang din sila basta-bastang mga gangsters lang dahil parte narin sila ng mafia. And as far as I remember, sampu na lang ang branches nila sa ngayon pero mas matikas iyon kumpara noon.   The Black organization ay makikita mo din naman sa ibat-ibang bansa, at dahil sampung branches iyon ay sampung bansa din ang kinaroroonan nito. Ang first branch na naririto sa pilipinas ay pinamumunuan ni Keen, si Arcie ang namumuno sa branch 2 na nasa America, at si Seiden ang namumuno ng branch 3 na nasa France. Si Gill naman ang namumuno sa branch 4 na nasa Korea.   Si Eris naman ang namumuno sa branch 5 na nasa China, si Rixie naman ang namumuno sa Branch 6 na nasa Europe, at si Yna ang namumuno sa branch 7 na nasa Singapore. Si Eunice naman ang humahawak sa branch 8 na nasa Hongkong, si Samara naman ang may hawak ng branch 9 na nasa Italy at sina Abraham at Abigail ang may hawak ng branch 10 na nasa Japan.   Lahat ng namumuno sa branches na yun ay mga babae, si Abraham lang talaga ang nagiisang lalaki sa kanila, pero si Abigail pa rin naman ang totoong namumuno sa branch 10, tinutulungan lang din naman siya ng kakambal niya. Sa totoo lang ay nakakamangha ang pagpapatakbo ng mga elders sa organization na ito. Nakapaayos at napaka-ganda kasi ng pagkakabuo ng lahat. Sinigurado talaga nila na hindi na mauulit yung noon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD