Chapter 3

3651 Words
(Duchess's POV)         This is bullshit. I knew it, I knew Abi and Abs wont come with me because she cant leave her gang here. At ayoko din namang mag-isang bumalik sa pilipinas, hindi ko na yata talaga matatakasan to ngayon. Wala na yata talaga akong choice kung hindi ang umuwi dahil nakikiusap na naman sina Mom and Dad.   "We will come with you in one condition," Abi said to me.   Napaisip naman agad ako sa kondisyon na hinihingi niya, ano kaya iyon?   "What is it?" agad kong tanong sa kanya.   Magbabakasakali na lang ako, baka naman kaya ko ang kondisyon niya.   “We will study in the Elites Academy."   Agad na nanlaki ang mga mata ko ng sabihin niya iyon, siya naman ay nakangiti lang din sa akin na parang madali lang ang hinihiling niya.   "No," agad kong pagtutol sa kanya.   Ayoko nga sa school na yun, nandon ang mga kapatid ko at ang mga kamag-anak namin. Pati na ang mga anak ng mga kaibigan nina Mom nandon, kaya ayoko dun. Ayoko nga silang makasama.   "Then, good luck. Have a happy trip," Abi said again.   "Come on Abi?" agad kong tawag sa kanya ng akmang aalis na sila.   "Ingat ka doon, Jion," Abs also said teasing me.   "Wait," pagpigil ko sa kanila.   I stop them from leaving at natigilan din naman agad sila. What the fvck, titiisin ko na lang na mag-aral doon na kasama sila kaysa naman umuwi ako ng mag-isa.   "Okay, okay. We will enroll in that school, just come with me to the Philippines," pakikiusap ko dahil wala na akong choice. "Okay, babalik agad kami. Pack your things Jion, Abs come on?" Abi said to me at bakas na bakas ang kasiyahan sa kanya.   Abi then drag Abs away saka sila agad na umalis. Siguro masayang masaya siya na nanalo siya sa akin. What the fvck? Kung hindi lang ako desperadong isama sila ay hindi ako papayag, bukas na kasi ang flight namin.   Ano nga kayang meron sa school na iyon at mahal na mahal nila ‘yon? Bakit ba kaylangan pa nilang pumatay? Bakit gustong gusto nila ng gulo? Having a peaceful and trouble-free life is more awesome. Imagine kapag tahimik at payapa ang buhay mo, you can eat a sandwich under the tree, while the sun is setting or you're having breakfast with the sound of the chirping birds, isn't that nice?   Napabuntunghininga na lang akong muli saka ko ipinagpatuloy ang pagaayos ko ng gamit, konti lang din naman ang dadalhin ko dahil may gamit naman ako doon sa bahay. Mga importante lang talaga ang kaylangan kong ayusin.   "Want some help?"   I look at my room door ng marinig kong magsalita doon si Mommy, she then smile at me saka siya agad na pumasok saka niya ako tinulungan na ayusin ang iba kong damit.   "Tell me mom, why everyone loves trouble? Why everyone wants to go on that school? Why everyone needs to be stubborn? What’s fun with trouble? I don’t get it," agad kong tanong sa kanya ng sunod-sunod dahil hindi ko na talaga mapigilan ang sarili ko.   Hindi ko lang din kasi talaga maintindihan kung bakit ba malapit ako sa mga taong habulin ng gulo. Mom chuckle and just smile at me dahilan para mapatingin lang din ako sa kanya, hinila niya rin ako paupo sa dulo ng kama ko katabi niya kaya napatigil din ako sa ginagawa ko.   "What mom? I'm serious.”   "That was the first time I heard you ask such questions like that. Ngayon lang din kita narinigan ng reklamo, its just odd. Most of the time kasi you'll just ask like, Mom? Do you still love me?" mom said teasing me at talagang ginaya niya pa ang boses ko when she said my line.   "Is it that unusual? Is it bad? Okay, I wont ask that again," agad kong sagot sa kanya.   Agad namang natawa si Mom sa akin saka niya nilaro ang mga kamay kong hawak  niya.   "Not everyone loves trouble sweety, most of the time the trouble loves them, like me,” mom said while she’s damn serious, “And most of the time, to be able to survive every trouble that is coming your way, you need to give what the trouble wanted. And being stubborn? every people have their way of being a stubborn baby, in some cases it's bad, but in the other cases it's okay sometimes, we’ll never know that's not our shoes to fit in," mom continued and she smiles at me again.   Hindi na ako nagsalita at yumakap na lang ako sa kanya. Hindi naman kasi talaga ako mananalo sa kanila ni Dad kahit kaylan.   "But baby, why you suddenly ask about the school?" mom ask kaya napabitiw ako sa pagyakap sa kanya saka ako tumayo at nagpatuloy sa ginagawa ko.   "Abi and Abs agreed to come with me in one condition, and that's enrolling in that school," bored kong sagot kay Mom.   Natawa lang din naman siyang muli saka niya ipinagpatuloy ang pagtulong sa akin.   "Nag-aral din kasi ang mommy nila doon anak, kaya marahil nagustuhan din nila doon.”   Agad naman akong napalingon kay Mom saka napakunot ang noo ko, kaya naman pala.   "Really Mom? So is it really dangerous there?" I ask again.   "Danger was always behind us darling. But don't worry, Abi, Abs and you are very safe there, hindi ka dapat magalala sa school na yun anak."   Napatitig na lang ako kay Mom dahil sa sinabi niya at ngumiti lang din naman siya sa akin.   "But Mom? I'm scared," I said saka ako napabuntunghininga.   Napatigil namang muli si Mommy sa ginagawa niya saka siya napatingin sa akin.   "On what baby? Tell me," mom asks.   Kitang-kita ko din na agad na bumakas ang pagaalala sa kanya. Napabuntunghininga na lang akong muli saka ako muling tumigil sa ginagawa ko.   "Lahat ng ito Mom, lahat ng nasa paligid ko, this reality I have, pakiramdam ko hindi ako nababagay dito, pakiramdam ko hindi ako kabilang dito."   Muli akong hinila ni Mom paupo sa tabi niya saka niya ako muling niyakap.   "Baby? Makinig ka kay mommy ha, huwag kang matakot anak. Nandito ako, nandito ang Daddy mo at ang mga kapatid mo, anak nandito kami, hindi ka namin pababayaan. And that fear? Keep that in your heart as a strength and fuel to face whatever was behind your safe zone. Honey, the time will come, you'll need to go out on your limitations and face your real world. It's frightening, I knew it, baby, it's scary when you don't know whatever you need to deal with, but if you have strength, you can face whatever you need to."   Umalis ako sa pagkakayakap ni Mom sa akin saka ako tumingin sa mga mata niya.   "Hindi ako takot sa kahit na sino Mom, sa inyo ako natatakot, kay Dad, sa pamilya natin, sa mga kasamahan natin. I feel so outcast mom, nakakatakot kayong kasama kasi pakiramdam ko hindi niyo ako maiintindihan, kasi pakiramdam ko hindi niyo ako kayang tanggapin. Mom, ganito lang ako, ito lang ako gusto ko lang ng simpleng buhay malayo sa buhay na meron tayo,” I explained at muli akong napabuntunghininga dahil pakiramdam ko ay sumobra ako sa mga nasabi ko.   "Is that the reason why you always wanted to stay here? That's not true sweety, hindi yan totoo, hindi ka dapat matakot sa amin. Palagi ka naming naiintindihan anak, maniwala ka sa akin, because I was just like you before, I understand. We understand, its okay baby.”   Lalo akong napatitig sa kanya and she smile at me again.   "You don’t need to worry about anything okay? Nandito kami palagi ng Daddy at mga Kuya mo para sayo okay? So go, clean up and rest I’ll pack your things."   Napangiti na lang din ako kay Mommy ng sabihin niya iyon saka ko siya agad na niyakap. Dahil sa sinabi niya ay nagkaroon ako ng lakas ng loob kahit papaano.   "I love you, mom."   "I love you more baby, magiging maayos din ang lahat okay?"   Nginitian ko na lang din siya saka ako naghanda para makaligo na. Iniwan ko na lang din naman si Mommy saka ako mabilis na naglinis.                 (Samara's POV)         "Abs faster! Late na tayo, ano ka ba naman!"   Agad kaming napalingon sa malakas na humiyaw habang nasa left lounge kami ng hideout namin. Agad din namang napatigil yung dalawang pumasok saka sila napatingin sa amin kaya napatayo na lang din ako.   "Abi? Abs? W-why are you here?" nagtatakang tanong ko sa kanila.   Agad din naman silang lumapit sa pwesto namin, biglaan naman yata ang uwi nila? Mayamaya din naman ay lumapit narin ang mga Knights at Elites na nasa right lounge na hindi din nalalayo sa amin.   "Nauna na kasi kami kila Jion kaya nandito na kami, may side trip pa kasi sila. Late na ba kami sa meeting?" Abi answered, dahilan para mapakunot agad ang noo ko at ganoon din ang mga kasama ko, "I mean Duchess," she said again.   Agad namang napawi ang nakakunot naming mga noo dahil sa sinabi niya, napansin niya siguro na nagkunutan ang mga noo namin. Wait? Ibig sabihin uuwi sila? Oh my gee? For real?   "Uuwi si Mom at Duchess?" sabay namang tanong ni Duke at Duce.   Marahil na-realize narin nila ang sinasabi ni Abi. Agad na natawa si Abi sa reaksyon namin.   "Yes, uuwi na sila nasa byahe na nga sila e, hindi ba nila sinabi sa inyo? Baka nga mayamaya lang ay nandito na rin sila,” nagtatakang sagot ni Abi sa magkapatid saka siya tumingin sa wristwatch niya.   "Dad? We should prepare, Mom and Duchess is coming!” biglang hiyaw ni Duce kaya nagkagulatan kami.   "Shut up Duce! What the hell?" asar naman na hiyaw ni Duke sa kapatid niya.   Natawa na lang din naman kami sa kanila dahil hindi namin malaman kung natataranta ba sila o excited.   "I miss Mom and Duchess, bro," agad na sagot ni Duce sa Kuya niya.    "Isip bata ka talaga, let’s prepare foods for them, come on? Let's go home. Dad? Faster, Mom will get mad!" Duke also yelled.   Nagkatawanan lalo kami dahil sa paghiyaw ni Duke, talaga ngang kinakabahan na sila. Naiisip na siguro nila ang galit ni tita Xion. Mayamaya lang din naman ay napatigil kami sa pagtawa namin ng maglabasan na ang mga elders mula sa conference room.   "Dad? Its Duce, say sorry bro. I wont tolerate that," Duke said to his Dad saka niya tinapik ang balikat ng kapatid niya.   Natahimik naman lalo ang lahat at pinigil ko namang tumawa dahil sa kanila.   "Hindi pa ako nagluluto, hindi niyo naman sinabi agad na uuwi sila, your Mom will surely kill me. Lets go? Let’s cook and clean the house," tito Ouji said at tila hindi niya rin pinansin ang kalokohan ng mga anak niya.   Hindi na rin naman namin napigilan ang pagtawa sa kanya. Mag-aama nga sila. Sabay-sabay na lang din kaming umalis sa hideout saka kami bumalik sa deadly residence para tulungan na silang magluto at maglinis.   Know what? tito Ouji and tita Xion was the cutest couple I have ever known. Si Tito kasi yung mahilig gumawa ng mga gawaing pang-nanay sa kanila, while Tita preferred doing the father duties, pero okay naman sa kanilang dalawa iyon lalo na sa mga anak nila.   Dati nga si Tito ang nag-aalaga sa mga anak nila tapos si Tita ang nasa company, pero minsan naman ay nagpapalit sila. Ganoon sila palagi, si Tito nga rin ang madalas magluto ng pagkain nila, o di ba? Kakaiba talaga sila. Naaalala ko pa dati, habang inaalagaan ni Tito si Duchess ay si Tita ang kasama nina Duke at Duce na maglaro ng saranggola. Ang cool nga e.   Hindi naman nagtagal ay naipon na kami sa bahay nila Tito Ouji, hihintayin na lang din siguro namin sina Duchess at Tita bago kami magsiuwi. Malapit lang naman ang mga bahay namin dito, saka matagal din kasi namin silang hindi nakita. Nagluto narin sila tito Ouji, tapos naglinis na sina Duke kasama ng mga maid nila habang nananatili kami sa sala.   "Abi? How did you know that they are coming today?" tito Ouji ask Abi na kasama namin ngayon.   "Usapan na po kasi namin na ngayon kami uuwi, Tito. Hindi po ba nabanggit sa inyo ni Tita? Usapan narin po namin na kapag sumama kaming umuwi ay uuwi din siya. I didn't know why they didn't tell you about this," nagtataka ding sagot ni Abi kay Tito.   "Pero bakit nauna na kayo tapos sila wala pa?" Dad also ask her.   "Sabi po kasi ni tita Xion, magsa-side trip pa daw sila. Kaya nauna na lang po kami nina Mom, nagbabakasakali po kasi kami na makaabot sa meeting. Ang usapan din po namin ay dito na lang kami magkikita-kita," muling sagot ni Abi.   "Magtatagal ba kayo dito Abi?" I also ask dahil binanggit niyang kasama nila ang parents nila.   "Dito na kami mag-aaral, kasama din iyon sa usapan. Kaya nga kasama din namin sina Mom," muling sagot ni Abi.   Natahimik naman bigla ang lahat at bakas din sa kanila ang pagtataka. Bakit naman kaya hindi sasabihin yun ni tita Xion? Baka naman surprise to, tapos nabulilyaso lang.   "Baka naman surprise to kaya hindi nila alam? Tapos ginulo lang natin Abi. Lagot ka talaga kay Jion, maghanda ka na ng dahilan," Abs also said.   Nagtawanan naman agad kami sa sinabi ni Abs at napakamot lang din naman ng ulo si Abi dahil doon. Marahil ay napaisip din siya.   “Huwag kayong magalala sasaluhin na namin kayo, sasabihin ko na lang na pinilit namin kayo,” mayamaya ay sabi ni tito Ouji sa kanila.   "Abi, saan daw kayo mag-aaral kung sakali?" tanong naman ni Ate Aila sa kanila.   "Sa Elites po ate, iyon ang napagkasunduan namin. Magre-register na nga po kami pagdating nila," Abi answered.   "How did you convince her? Hindi iyon makukumbinsi ng Mommy niya, alam kong kayo ang kumumbinsi sa kanya," tito Ouji ask again.   "Si Jion ba tito Ouji? Naku Tito, ang lakas ko kaya doon sa prinsesa mo. Joke lang Tito, baka nga sakalin ako noon mamaya e, basta saluhin mo kami Tito a. Pumayag naman po kasi siya sa usapan namin na sasama kami sa kanya dito, basta papayag siyang sa Elites kami papasok, ang weird nga niya Tito e, alam mo naman ‘yon Tito allergy yun dito sa pilipinas, pero baka naman no choice narin siya kasi sa pagkakaalala ko si tita Xion ang nag-set ng flight ngayon,” mahabang salaysalay ni Abi.   Tumango na lang din naman si Tito sa sinabi ni Abi. Buti na lang din at nakumbinsi niya si Duchess. Sina Tito nga ay hirap na hirap na kumbinsihin iyon, saka isa pa tama si Abi, allergy yun dito sa pilipinas lalo na kapag nakikita niya kami.                   (Duchess's POV)         Sa ngayon ay nakababa na kami ni Mommy sa eroplano pagdating nito dito sa airport sa pilipinas, at kasalukuyang tinatahak namin ngayon ang daan papunta sa carpark, kung saan naroon ang sasakyan na ipinahanda ni mommy sa mga tauhan nila.   Surprise kasi ang uwi namin na to kaya hindi kami masusundo nila Dad, but I don't think that this will be still a surprise dahil alam kong sa mga oras na ito baka nasa bahay na ang kambal at nag-kwento na sila sa mga tao doon. Lagot talaga sila kay Mom. "Mom?"   "Yes, honey?"   Hinawakan ko agad ang kamay ni Mommy paglapit ko sa kanya at saka ko siya hinila para mas bilisan niyang maglakad, nasa likuran ko kasi siya at hindi maganda ang kutob ko sa ngayon. Hindi na ako nagsalita at nagmamadali akong maglakad habang hila-hila ko siya, nararamdaman ko kasi hanggang ngayon na may nakatingin sa amin.   I can feel many pairs of eyes, watching us at hindi ko alam kung nasaan sila basta nararamdaman kong nandito sila. Mayamaya ay naramdaman ko na rin na may sumusunod sa amin. Oh men, ito ang ayaw ko dito sa pilipinas. Hindi ko man lang naranasan ang ganito sa Japan. Kinakabahan tuloy ako, si Mom kaya, nararamdaman niya rin kaya ito? Imposibleng hindi niya ito alam.   "Are you that excited to see your Dad and brothers? Nagmamadali ka yata baby? Easy okay?" mom said pero hindi ko siya tiningnan nagpatuloy lang ako sa paglalakad ko.   "Yes Mom, It's been so long, r-right?" pagpapalusot ko.   Mayamaya lang din naman ay iniabot sa akin ni Mom ang dala naming bag kaya kinuha ko na lang iyon kaagad, magaan lang naman ito saka konti lang ang dala namin. Dire-diretso lang din kami sa elevator na papuntang ground floor, pagpasok namin doon ay pinindot agad ni Mom ang button na pababa, pero may biglang pumigil doon. Nagulat na lang din ako when Mom hurriedly cover my eyes dahilan para mapayakap ako sa kanya at tunog na lang din ng baril ang narinig ko matapos noon.   "Get ready honey. Don't worry, om will take care of you," Mom said saka niya ako binitawan.   Napatingin na lang din ako sa kanya saka ako tumango, hinawakan din ni Mom ang kamay ko habang hawak niya sa kabilang kamay ang baril niya. Naghintay lang din ako ng pagdating namin sa ground floor kung saan naroroon ang kotse namin, at pagtunog ng pinto ng elevator at pagbukas nito ay hinila agad ako ni Mom palabas.   "Go honey, just run,” Mom said habang naririnig ko ding may mga tumatakbo palapit sa amin.   Tunog na lang din ng baril ang narinig ko sa likuran ko. I didn’t look back and just continue running, kaya ayoko dito sa bansang ito ay dahil sa ganitong mga pangyayari.   "Open the car sweety," Mom said to me habang nararamdaman kong nasa likuran ko siya.   "Which car mom?" agad kong tanong sa kanya.   "The gray aventador," muli niyang sagot sa akin.   Mabilis kong inilibot ang paningin ko sa paligid at agad ko din namang nakita ang sasakyan na sinasabi niya dahil nagiisa lang iyon dito. Binuksan ko din agad iyon, saka ako agad na sumakay.   "Mom? Get in!" hiyaw ko kay Mommy saka ko binuksan ang pinto sa side ng drivers seat.   Sumakay din naman agad siya doon at saka siya nagsimulang mag-drive.   "Yuko honey."   Yumuko lang din kaagad ako dahil sa sinabi niya. Mabilis ang takbo ng sasakyan at naririnig kong bumabaril pa rin si Mom. Hanggang sa mayamaya lang din naman ay bumagal na ng konti ang takbo ng sasakyan at nawala na ang tunog ng baril.   "Honey? Are you okay baby?"   Tumunghay agad ako pagkasabi noon ni Mommy and I hurriedly hug her, ngumiti lang din naman siya kaagad sa akin. Kinabahan ako, akala ko ay kung ano ng mangyayari sa amin. Pakiramdam ko ay gusto ko na lang ding yumuko hanggang sa makauwi na kami.   "Why?" mayamaya ay tanong ni Mom kaya agad akong napabitaw sa kanya, "You look very sad," muli niyang sabi.   Napatingin na lang din ako sa kanya saka ako napaiwas ng tingin. Agad din akong napatitig sa bintana habang nagmamaneho siya.   "Mom? I hate staying here," agad kong sagot sa kanya.   "Why? Tell me, baby."   "Because its always like this, I cant even have a peaceful life here. Palagi na lang ganito, palagi na lang tayong nakikipaghabulan kay kamatayan kapag nandito tayo. Oo nandito kayo mom, pero nandito din yung gulo. Nandito din ang mga taong gustong pumatay sa atin, ni hindi ko nga masiguro kung safe ba talaga dito, palagi na lang ganito Mommy. I hate it, hindi ko nga makayang tingnan ka na may hawak na baril Mommy, hindi ko gusto ang ganitong buhay," hiyaw ko saka ako muling tumahimik.   Natahimik lang din naman siya at hindi na siya nagsalita. Hindi din ako tumingin sa kanya, pinanatili ko sa labas ng bintana ang atensyon ko dahil pakiramdam ko ay mapapahiyaw na naman ako sa inis. Ito lang din yata ang unang beses na humiyaw ako sa kanya, I felt bad, but I don’t like this either.   "Mom I cant even have a peaceful mind here, every time na lalabas kayo o aalis kayo, o kahit nasa bahay lang tayo, Mommy pakiramdam ko anytime mamamatay tayong lahat. Sakal na sakal ako Mommy, kapag naman nasa Japan tayo, at naiisip ko ang mga naiwan natin dito I cant sleep at night. Hinahabol ako ng bangungot na to. Hindi ko na alam ang gagawin, ang iisipin at ang mararamdaman Mom." "I'm sorry for giving you this kind of life, honey. Mom is sorry."   Pagkasabi non ni Mom ay napabuntunghininga lang ako.   "May choice pa ba tayo Mom? Mababago pa ba natin to? Hindi na Mom, hinding hindi na mangyayari yun."   Hindi na ako nagsalita matapos kong sabihin iyon. Natahimik narin kami hanggang sa makarating na kami sa bahay. Pagparada ni Mom ay bumaba lang din kaagad ako saka ako dire-diretsong pumasok sa loob ng bahay pero napatigil din agad ako ng makita ko ang maraming tao sa bahay.   “Baby! Wait? What happened to you?” agad na bati ni Dad sa akin.   Napakunot din agad ang noo niya kaya napatingin lang din ako sa sarili ko. What the fvck? Lalo akong nainis ng makita ko ang mga talsik ng dugo sa damit ko, siguro ay mula to dun sa mga binaril ni Mom sa elevator.   “I hate this!” hiyaw ko sa kanya saka ako nagmamadaling lumakad papasok.   Agad ko din siyang iniwasan saka ako dumiretso sa hagdan.   “Duchess?” Dad called me, marahil ay nagulat siya sa inasal ko sa kanya.   "Let her Ouji," dinig kong sabi ni Mom sa kanila.   Ipinagpatuloy ko lang din ang pagakyat sa hagdan at sinadya kong ipakita sa kanila ang inis at pagdadabog ko. Pagdating ko sa kwarto ko ay agad ko ding ini-lock ang pinto saka ko tiningnan ang sarili ko sa salamin. This is fvck. Talaga ngang may blood stains ako, napailing na lang ako saka ako agad na kumuha ng pamalit na damit saka ako pumasok sa banyo at agad na naligo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD