(Duke's POV)
"What happened, Mom? Are you okay?" I ask Mom at agad din naman siyang napatingin sa akin saka niya kami niyakap ni Duce bago niya yakapin si Dad. Niyaya niya rin kaming maupo sa sala ng mansion at sumunod din naman agad sa amin ang mga kasamahan namin.
"We have an encounter with some group awhile ago at the airport," she answered. Saktong dating ni manang dala ang inumin ni Mom kaya ako na ang kumuha noon and I gave it to her, to help her calm down.
Halatang-halata ang lungkot sa mga mata niya kahit na pinipilit niyang ngumiti. I knew its because of Duchess, wala namang ibang dahilan para malungkot si Mom.
"How about duchess Mom? Why she looks so pissed? Is she okay?" Duce also ask. Mom then smile at him pero hindi na rin nakatakas sa amin ang luha na pinipigilan niyang pumatak kanina.
"She told me she hates everything about the organization, this is the first time ever I heard her say those kinds of words, she won't usually say. She even told me why she hates living here,” Mom said. “She even told me that she's scared of us. That she's an outcast and she thought that, we cant accept whoever she is. She told me that she hates everything about our reality. A-and it hurts seeing her like that and hearing that from her!” she added saka siya napatingin kay Dad na nakayakap sa kanya.
“It hurts Ouji! Pakiramdam ko wala akong kwentang ina. Pakiramdam ko kasalanan ko ang lahat kung bakit nagdurusa ang anak ko ngayon! I cant even do anything for her, I her Mom should be the one giving her the best life she ever wanted but I cant, Ouji! I can’t, at hindi ko matanggap na kaya kong gawin ang imposible para sa iba pero hindi ko ‘yon magawa sa sarili kong anak!" Mom cried again and she didn’t even bother thinking kung sino mang nakakakita sa amin ngayon.
Wala na rin namang choice si Dad at iniakyat niya na lang din si Mom sa kwarto nila at naiwan kami ni Duce kasama ang iba pa. Lahat pa naman kami ay excited, dahil uuwi na siya. Tapos ganito lang naman pala ang mangyayari. This is fvck! At sayang din ang mga inihanda namin lalo na ‘yong mga pagkain.
"I think, we should go now. Kaylangan nating hayaan muna sila," tito Shawn said na bumasag ng katahimikan sa aming lahat at dahil doon ay saka lang din kumilos ang mga kasama namin.
"Kuya Duke, uuwi na rin muna kami," Abi also said to me kaya tumango na lang ako sa kanila. “Pakisabi na lang po kay Tita at Tito saka kay Duchess,” Abs also said.
Muli akong tumango sa kanya na ikinangiti nila sa akin bago sila magpaalam sa mga kasama namin.
"Duke? Duce? Wag niyo ng masiyadong isipin ‘yon okay? Magpahinga na rin kayo," tita Shin said to us. “We’ll figure this one out eventually, Duchess just needs time,” she added.
Tumango na lang din naman kami sa kanila saka namin sila hinatid ni Duce sa labas, hinintay lang din namin na maka-alis na sila saka kami pumasok ulit sa loob ng bahay. Sabay rin kaming pumunta sa kusina para asikasuhin ang mga inihanda naming pagkain na naabutan din naming inaayos na nina manang. Ngayon sino kayang kakain ng mga pagkain na ihinanda namin?
"Kuya? Alam mo ngayon ko lang naisip na posible pala talaga iyong ganoon ano?" mayamaya ay sabi sa akin ni Duce. "What do you mean?" I ask.
"Iyong naiiba sa pamilya? Iyong lumilihis ng landas katulad ni Daun," he answered. "Yeah, thats not even impossible. Why do you ask?" I answered also.
"Wala lang, naaawa lang ako kay bunso, because I knew it is a pressure for her. You know, to fit it with us kahit na alam niya sa sarili niya na hindi siya katulad natin. To the fact na napalilibutan pa siya ng mga tulad natin," he added.
"It is, pero bata pa siya. Eventually, makakapag-isip-isip pa siya," I answered. "Mom said that before also bro, pero hanggang ngayon ibang path pa rin ang tinatahak niya. Hindi rin naman mahina ang ulo ni bunso. You knew she’s more intelligent than us," he added.
"I didn’t kow either, Duce. Basta whatever she choose, hayaan lang natin siya. Its fine with me at alam kong ganoon din kay Mom and Dad. She just needs to find her peace, and to accept na ganito na ang buhay natin," I said again. "Sabagay, tama ka." he agreed.
"Umakyat ka na, mauna ka na doon tutulunganko lang sila na ayusin ang pagkain," I said again. “Okay, I’ll check on Duchess also,” he answered at tumakbo na agad siya palabas sa kusina.
Napailing na lang din ako sa kanya na tinawanan lang din naman nina Manang kaya napangisi na lang din ako. Ang kulit niya, and for all I know he will not check on her. Siguradong kukulitin niya ang kapatid namin hanggang sa mapapayag niya ang isang ‘yon. He’s just like that to her, always, sabagay sa kahit na sino naman ay ganoon siya.
(Duchess's POV)
Na-estatwa na lang ako sa kinatatayuan ko habang naririnig ko na umiiyak si Mom sa loob ng kwarto nila ni Dad. I was about to say sorry pero mukang huli na ako, I hurt her feelings I knew it. I did it, bagay na noon ko pa iniiwasan, dahil ayoko na nasasaktan ko ang damdamin ni Mom, Dad ang ng mga Kuya ko. Is is really true? Did I really make her cry? That’s bullshit. Dapat kasi ay hindi na lang ako nagsalita, I should keep it to myself, dapat hindi ko na lang sinabi.
Kaya ko naman ‘yon, ganoon naman ang ginagawa ko noon pa. At hindi ko rin alam kung bakit nga ba hindi ko rin kinayang pigilin ang sarili ko. Siguro talagang napuna na ako, siguro talagang hindi ko na kinaya. Napabuntunghininga na lang din ako saka ako tumalikod para umalis na, hindi na rin ako kumatok sa pinto ng kwarto nila Dad and Mom at bumalik na lang agad ako sa kwarto ko.
"B-baby? Anong ginagawa mo diyan?" tila nagulat na tanong ni kuya Duce sa akin. He the grab my hand at hinila niya agad ako ng marahan pabalik sa kwarto ko. “Bakit nandoon ka sa labas Duchess? Gusto mo bang kausapin si Mom? Are you okay?” he ask again.
"I-I just wanna say sorry for what I've said Kuya, b-but I make her cry, Mom is crying because of me. I-I didn’t mean to do that --,” I answered at napatigil na lang din ako sa pagsasalita saka ako napabuntunghininga dahil bigla akong niyakap ni Kuya.
Napayakap na lang din ako sa kanya at hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko dahil sa sari-saring emosyon na nararamdaman ko ngayon. Pakiramdam ko kasi ang sama-sama ko and I failed them. I failed them as a daughter, I failed my brothers.
"What did you do to her, Duce?” sabay kaming napabitaw sa yakap ni kuya Duce nang biglang sumulpot sa kwarto ko si kuya Duke. “Baby? Are you okay? What happened?" sunod-sunod niyang tanong sa akin saka siya lumuhod sa harapan ko and he hold my hand.
“Anong ginawa mo Duce?” inis na tanong ni kuya Duke kay kuya Duce saka siya muling tumingin sa akin. “Wala akong ginawa Kuya! I just saw here outside Mom and Dad’s room,” agad na sagot ni kuya Duce kaya muling napatingin sa akin si kuya Duke.
Tinitigan niya ako sa mata making connections on me at parang naiisip niya na ngayon na narinig kong umiiyak si Mom. Hindi rin siya nagsalita pero niyakap niya lang ako and kuya Duce hug us again. Ito na naman sila, palagi na lang silang ganito.
"It's not what you think okay? Don’t be sad. Don’t think that way," kuya Duke said again. “Kuya, I’m not stupid. It’s me I knew it,” I answered.
“Hindi ikaw ‘yon, ipinatalo kasi ni Dad sa pustahan ang aventador ni Mom kaya umiiyak si Mom kanina,” mayamaya ay sabad ni kuya Duce sa amin and kuya Duke just glared at him kasabay ng pagbitaw namin sa yakap. “Ito na nga Kuya, tatahimik na,” he added.
“May problema ka ba? Tell me Duchess, its okay," muling sabi ni kuya Duke at hindi niya na rin pinansin si kuya Duce kaya napatingin na lang din ako sa kanilang dalawa. "Kuya? Bakit kayo katulad kayo nila Mom? Did you choose it? Did you want it?" I ask him na matagal ko ng gustong itanong sa kanila.
"Choice kasi ng mga pogi ‘yon baby," agad na sagot ni kuya Duce and kuya Duke hurriedly glared at him. "Shut up Duce, ako ang kinakausap niya!" singhal ni kuya Duke sa kanya na ikinatawa ko na lang din.
"Ikaw ba bro? Akala ko kasi ako eh! Pang-gwapo kasi iyong tanungan niya," kuya Duce said again na dahilan para lalo siyang tingnan ng masama ni kuya Duke and he immediately motioned that he’s zipping his mouth.
"Duchess?” kuya Duke then called me kaya muli akong napatingin sa kanya. “Alam mo kasi lahat naman ng tao may freedom, at kasama doon iyong freedom to choose. Like in our case, we choose to be like Mom and Dad because we want it. And you chose to be different because its you also," Kuya explained to me.
"Mali ba ko Kuya? Bakit pakiramdam ko mali ako? Bakit pakiramdam ko nakagawa ako ng malaking kasalanan," I said. "No, that’s not true. Hindi ka mali, Duchess,” sabad ni kuya Duce sa amin.
"This reality will hunt us forever, pero walang mali at kahit kaylan hindi mali na piliin mong ibahin ang landas mo. Hindi mali na baguhin mo ang nakasanayan, because being one of us means survival, and that doenst mean na kapag hindi ka na isa sa amin ay hindi ka na magsu-survive. That just only means you wanted your own survival game," he added habang nakatitig lang kami ni kuya Duke sa kanya. “Alam mo bunso sa totoo lang akala ko talaga puro kabaklaan lang ang alam nitong Kuya mo," bulong ni kuya Duke sa akin na agad ko ring tinawanan.
"Pero kung ako ang tatanungin mo, okay lang naman sa amin kahit anong gusto mo. Sigurado rin ako na ganoon din sina Mom and Dad, at alam ko na lahat kami ang hangad lang namin ay sumaya ka. At kung saan ka masaya ay doon kami palagi. Pero alam mo bunso para maging masaya ka, kaylangan mo lang na tanggapin ang realidad na ito. You can choose your own path but you have to accept that this is us, this is us Duchess. At pwede namang huwag kang gumaya sa amin, pero kaylangan mong tanggapin na ito ang totoong tayo. At kaylangan mong malaman na pwedeng dumating ang panahon na gagamit ka rin ng baril para protektahan ang sarili mo at ang mga mahal mo sa buhay, and we can’t change that,” mahabang salaysay ni kuya Duke sa akin.
Natigilan ako sa sinabi ni Kuya and i just look at him habang nakikinig lang din naman sa kanya si kuya Duce.
"Duchess you need to learn, you need to think. Because time will come you will need to stand. Kaya mo bang hayaan na lang na mamatay ka? Then what’s the sense of surviving? Paano kung mawala sa’yo ang mga tanong malalapit sa’yo? Will you let that happen? Dahil ayaw mong tanggapin ang mga bagay na ito?” he added. "Kuya? Nakakatulong ka ba? Hindi kaya, tinatakot mo lang si bunso eh," agad namang sita ni kuya Duce sa kanya.
"Tumahimik ka nga Duce! I'm asking the truth here! This is the truth," kuya Duke said again. "Duchess? Just know that you can live your life according to what you wanted to, pero make sure lang na kapag dumating ang mga ganoong sitwasyon ay kaya mo rin na ipagtanggol ang sarili mo at ang mga nakapaligid sa’yo. And it doesn't mean taking the same life, if you did that, It just means survival," kuya Duke added.
"Pero alam mo bunso, kuya Duke is right. Saka alam mo kaya lang naman kami nagaalala sa’yo, kasi nga alam namin ang klase ng mundo na meron tayo. Its not about the path that you've chosen to take, or its not about our expectations to you being a Steinckert, like us. Its all about your safety baby, dahil alam namin na sa pinili mong landas, ay magiging mahina ka, at mas malaki ang tyansa ng kapamakan sa’yo," kuya Duce then said.
Napatitig na lang din naman ako sa kanila and they just smile at me kaya muli akong napabuntunghininga. Alam ko naman kasi na tama sila, isa ‘yon sa maraming bagay na inaalala ko at totoong hindi ko alam ang gagawin. Hindi na lang din ako nagsalita dahil hindi ko alam ang sasabihin, pero bigla lang din nila akong niyakap at mayamaya ay may yumakap sa amin nila Kuya, and it’s Mom and Dad na agad ding ngumiti sa amin pagtingin namin sa kanila.
"I’m sorry Mom! I’m sorry sa inyong lahat!" I said at hindi ko na rin naiwasang maiyak dahil sa sari-saring emosyon na nararamdaman ko. I hate to say this but maybe some people is right. A seventeen year old can be so emotional.
"No! No anak, don't be, sorry. Mommy should be sorry not you because you don’t want to hurt my feelings so you keep everything to yourself. I am sorry that you have to go through this, anak. And please know that whatever you choose to take Mom is happy, I am happy that you knew what you want," Mom said to me
"You know what my baby? If your lolo and lola was here? I knew they will tell you that its not new to them, because your Mom was just like you before. You can also ask your tito Kei, tito Lei and tito Xian, we all knew that your Mom is just like you. Pero alam mo na, pasensya ka na anak, ako lang ito. Alam mo naman na patay na patay itong nanay niyo sa akin, -- aaw! Ayon pinili niya ako -- Aray! Love naman!" dagdag ni Dad na malakas din naming tinawanan. "So now I want to ask you, sigurado ka na ba dito anak?" he added.
"Yes Dad, gusto ko talaga nang tahimik at malayong buhay. Please, can I at least have it? And please don't worry for me, just trust me," I answered at muli ay bigla nila akong niyakap. "Okay! Kung anuman ang makakapagpasaya sa’yo, ay masaya na rin kami. Just say it baby, say whatever you want,” Dad said again.
"I love you Dad! Thank you!" I said again saka ko sila muling niyakap. "I'm proud of you baby," Mom also said.
"Thanks mom! I love you!" I also said saka niya ako hinalikan ng maraming beses sa pisngi and I just hug her and Dad, even my brothers hug us also. "Matulog na tayo Mom? Dito na tayo matulog dahil unang gabi ni Duchess dito," mayamaya ay sabad ni kuya Duce sa amin.
"May kwarto naman kayo ah!" reklamo ko sa kanya pero hindi man lang din niya pinansin ang sinabi ko, and he just lay down on my bed at natawa na lang din ako ng gayahin siya ni kuya Duke, Mom and Dad. “Come here baby?” Mom called me saka niya tinapik ang tabi niya.
"No! Mom gusto kitang katabi!" malakas na reklamo ni kuya Duce. “No! Ilalaglag kita dyan kuya Duce!” malakas kong reklamo na tinawanan lang din nila bago ako yumakap kay Mom.
Dad then lay down beside Mom at nahiga sa kaliwa ko si kuya Duke, sa tabi naman ni Dad nahiga si kuya Duce para naman daw may katabi si Dad.
"Sige na matulog na kayo para makapag-pahinga na ang Mommy at kapatid niyo," Dad said referring to kuya Duce and kuya Duke.
Marahil dahil alam niyang magiingay pa sila. Natawa na lang din naman kami dahil doon and Dad then turn off the lights and he opened the bedside lamp, and we simply sleep like that. Just like the usual.
Kinabukasan nagising na lang ako na wala na sila sa kwarto ko and just like the usual alam ko na nagising sila ng maaga. They are always like that at sanay na ako sa kanila, kahit nga sina kuya Duke at kuya Duce ay ganoon din at ako lang yata ang tanghali na magising sa kanila.
Pagkagising ko ay naligo na lang din agad ako at nagbihis saka ako bumaba, saka ko lang din nalaman na Mom and Dad invited them again. Sabi niya ay sayang daw kasi iyong mga pagkain na iniluto nila kagabi, masyado raw kasi iyong marami kaya inihain na lang ng breakfast.
Sa totoo lang ay hindi talaga ako sanay na ganito karami, kaingay, at kagulo ang paligid ko. Sa Japan kung saan ako halos lumaki ay iilang tao lang din ang nakakasalamuha ko, because I don’t like it. Alam na rin nang mga maid doon ang gagawin nila dahil madalas din naman talaga ako doon. Lahat sila ay hindi pakalat-kalat kapag nasa labas ako.
Hindi naman sila nahihirapan dahil madalas naman akong nasa kwarto ko, pero batas na ‘yon sa mansion. Maswerte na lang din ako na hindi ito ang hideout nila dito sa Japan and this is another mansion of Mom. Madalas rin na maid and butlers ang kasama ko dito pero hindi ko rin sila madalas na nakakasalamuha dahil bihira talaga akong lumabas sa kwarto ko.
Karaniwan ay lumalabas lang ako kapag papasok na ako sa school, o kapag nandyan sina Abi at Abs. O kaya naman kapag naroon Mom o kaya si Dad at kapag busy sila sa hideout ay nasa bahay lang din ako pero madalas ay nasa galaan din kami ni Mom pero hindi kami nagpupunta sa mataong lugar. That’s my life there, isolated but I’m fine with it. Iyon na talaga ang kinalakihan ko.
"Duchess? Kumain ka na?" agad na tanong sa akin ni ate Aila pagbaba ko sa hagdan kaya napatingin na lang din ako sa kanya and she just smile at me. "Later!" tipid kong sagot saka ako dumiretso ng lakad.
Sa totoo lang din ay wala akong ka-close sa mga pinsan o kaya sa mga Tito at Tita ko, even sa mga Ninong at Ninang ko, at mas lalo naman sa mga anak nila. Hindi ko talaga sila nakasanayan at kahi anong gawin ko ay hindi ko matagalan ang dami nila.
"We’re here!" malakas na hiyaw ni Abi pagkapasok na pagkapasok niya dito sa bahay namin. Ang dami na nga ng tao dito sa bahay ay dinagdagan pa talaga nila. "Abi ano muna kasi ‘yong she kiss? Alam mo ba ‘yon?" Abs ask habang naglalakad siya ng mabilis para sundan ang kakambal niya.
"Ano ba kasi ‘yon?" hiyaw ni Abi sa kanya na agad niyang ikinatawa. "Grabe ka naman, Abi. Masarap kaya ‘yon, I cant believe na hindi mo alam iyong kalaban ng pizza house saka pizza corner," natatawang sagot ni Abs na wala namang tumawa.
"Ha-ha-ha funny Abs!" pambabara ni Abi sa kanya and she glared at his brother na agad din namang napatigil saktong dating din ni Mom. "Kumain muna kayo, Abi? Abs?" alok ni Mom sa kanila.
"Later Tita, kakausapin ko pa po kasi si Jion," she hurriedly answered saka siya ngumiti sa akin. "Duchess," pagtatama ko sa kanya saka ko siya tinitigan na agad niyang ikinaiwas ng tingin.
"Duchess po pala," she said again saka niya ako agad na nilapitan. "Why do you need to talk to me?" I ask her.
"Anong why? Alam mo bang wala na tayong slot sa Elites Academy? Paano na tayo niyan?" agad niyang sagot sa akin. “That's great," I answered full of sarcasm.
"Oh don’t worry, I already reserve a slot for you three," sabad sa amin ni ate Aila kaya napatingin ako sa kanya saka ko ibinalik ang tingin ko kay Abi, na lumawak din namna agad ang ngiti. "Mag-register na tayo?" tila nae-excite niya pang tanong kaya napailing na lang din ako.
“Ipakukuha ko na lang ang laptop mo anak sige na,” Mom said to me kaya tumango na lang din ako. Naghanap na lang din kami ng pwesto sa sala kasama ng iba pa at nagkanya-kanya na rin kami ng mundo.
"Wait, Abi can I ask you a question?” Rya ask Abi dahilan para mapatingin ang katabi ko sa kanya. “What is it?” Abi ask her.
“I was just curious lang ha? Kasi bakit ba Abs ang tawag niyo sa kanya?" she then ask na agad na ikinatawa ni Abi pero agad din siyang pinandilatan ng mata ng kapatid niya.
Marahil nahihiya na ngayon si Abs, at marahil nagtataka na sila kung bakits Abs ang tawag namin kay Abraham pero mukang kawayan naman talaga siya.
"He draw fake abs on his tummy before," agad na sagot ni Abi kay Rya and she laugh also at sa hiya ni Abs ay hindi na lang din niya pinansin ang kapatid niya.
Hindi naman nagtagal ay dumating na ang maid na inutusan ni Mom na kumuha ng laptop ko kaya ginawa ko na lang din ang dapat kong gawin at hindi ko na sila pinansin pa.